Chapter 7

432 80 20
                                    


Note!

Hi!..your the very first one who voted. Your on the dedication..hope you like this chapter. It's for you..Thank you!

⭐ fireflicker13⭐

Soundtrack: Secrets by: One Republic

************

Chapter 7---The 5th member

________

Uriel’s POV.

‘‘Aalis na po ako.’’ Paalam ko kina Mama at lumabas na ng bahay.

Seven am pa lang naman. Seven thirty pa ang klase ko at si Kiefer naman nine pa ang klase n’ya. Habang naglalakad ako kinuha ko ang cellphone ko at nag type ng text.

To: Calex

Good morning. Hihintayin kita sa may talyer, okay? Ingat ka!

Pagkatapos ma-send ang message, tumungo na akong talyer. Umupo nalang ako sa upuan sa labas, hindi pa kasi bukas ang talyer. Mga twenty minutes na akong naghihintay pero wala pa din si Calex. Baka ma late na ako kaya tinawagan ko na, pero hindi n’ya sinasagot. Nakailang tawag na rin ako, pero wala pa rin.

Lagpas seven thirty na at ni anino n’ya wala pa din. Napagisipan ko ng umalis na lang, naabotan na kasi ako ni Papa. Mga twenty minutes din ang byahe ko bago ako makarating ng JMU, traffic pa kasi.

What happened to Calex? Pagnagsabi ‘yun na susunduin ako sigurado nand’yan s’ya. First time ito, kaya kahit papano nag wo-worry ako.

Pagpasok ko sinabihan kaagad ako ng Professor ko na thirty minutes na akong late. Nag explain na lang ako na may emergency, okay naman sa kanya. Natapos ang mga klase ko sa umaga at lunch na but still no call or text pa rin si Calex. Pumunta na lang akong cafeteria para mag lunch.

Hoy tulala ka d’yan. Kanina ka pa?'' Si Issa at nilapag ang mga pagkain n’ya sa mesa.

"Hindi naman..'' Maikling sagot ko.

''Nasan ang boyfriend mo? Hindi ko ata nakikita na nakabuntot sa’yo ngayon?'' Sabi n’ya sabay subo. I just rolled my eyes bago sumagot.

''Hindi ko alam, sabi susunduin ako pero hindi dumating.''

''Baka kinalimutan kana..hahaha." Sinamaan ko tuloy ng tingin at tinuloy ko ng kainin ang pagkain.

''Uy, malapit na anniversary n’yo at saka birthday mo. Plano n’yo?'' Tanong niya.

''Hindi ko pa naiisip, saka na lang.''

''Ay, ganun?! Alam mo ba, magbibigay daw ng pabuya ang business world kung sino ang makakapagturo kung nasaan ang isang membro ng mavens, si Steffany.'' Wika n’ya na nanlalaki ang mata.

''Eh, ano naman ngayon?'' Bagot na sagot ko.

''Wala, grabe lang. Talagang magbibigay sila ng pabuya. Siguro ganoon s’ya ka importante.''

“They're doing it to feed their curiousity. Alam mo Issa una na ako, puntahan ko lang si Kiefer.'' Sabi ko pagkatapos kong uminom ng juice.

''Ikaw, nahahalat ko na tuwing may sabihin ako na tungkol sa mavens umiiwas ka!'' Naka singkit ang mata niyang tanong sa’kin.

''Hindi lang ako interisado, tsaka wala akong panahon sa mga ganyan.''

''KJ ka talaga kahit kailan!''

''Tara na, kasi kung hindi kapa-aalis dito, mauuna na ako.'' Sabi ko sabay tayo.

The Mavens [COMPLETED]Where stories live. Discover now