Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter VII

408K 7.3K 1K
  • Dedicated kay sa lahat ng nagku-comment <3
                                    

That shirt.

That shirt has all the memories. Memories that I tried to keep out of my mind. Yung mga ala-alang pinipilit kong kalimutan. Yung mga alaala namin. Favorite shirt ni Daniel 'yon na galing sa 'kin. I bought it nung bago pa lang kami. Mumurahin siya kumpara sa mga t-shirt na meron siya. Yung shirts niya, branded. Yung akin, tatak Divi. But he wore that almost everyday na talaga namang ikinatutuwa ko dati.

I gave Angel a mean look as I walked towards her. I saw her smile fade and turn to a pout. "Wala pa nga akong ginagawa, nagagalit ka na," she said.

I pointed at her shirt. "Hubarin mo 'yan."

Kumunot bigla ang noo niya. "B-Bakit?"

"HUBARIN MO SABI!" pagtataas ko ng boses. She trembled and looked as if she was about to cry. But she didn't take the shirt off. Dammit! Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya ang yanked it up.

"Ate!" Pinigilan ni Enzo ang kamay ko. "'Wag naman dito sa labas."

I glared at him but let go of the shirt. "Fine!"

Pumasok kami sa loob. "Hubarin mo 'yan agad," matabang kong sabi kay Angel. Gusto kong kunin yung shirt so I'll have the pleasure of tearing it apart later. Saka ko susunugin.

I hate that shirt. It holds a lot of memories. Ayoko nang makaalala. Naiimbyerna lang ako sa naaalala ko.

I saw Angel enter a room tapos paglabas niya, she was wearing a different shirt. She handed Dani's to me. "Ito na Meg, o."

Hinablot ko 'yon sa kanya. "Saan ako matutulog?" tanong ko.

"Tabi tayo. Dalawang rooms lang kasi dito e. Doon na lang si Enz sa guest room."

"Ayoko," mabilis kong sagot. "Kami na lang ni Enz ang magkasama."

Napakamot ng ulo si Enz. "Ate naman..."

"May reklamo ka?"

"Tabi na lang kayo ni Angel," pakiusap niya.

"Ayoko," mariin kong tanggi. Ayokong makatabi ang isang Dirham. Leche. "Gusto mo kayo na lang ang tabi?"

My brother blushed. "Kung pwede lang sana..." he murmured as he looked away.

"Ano?" tanong ni Angel sa kanya.

"Ha? Wala. Wala. Sabi ko sa couch na lang ako."

Angel's expression changed to concern. "Sure ka?"

Enz nodded. Tapos naupo siya sa malapad na sofa and made himself comfortable. "Sanay akong matulog sa sofa," he said with a smile.

My breath hitched as I remembered a distant memory. Nung ilang araw kaming nagbakasyon sa mga tita ko, pinatulog nila kami sa sahig. Ako sa sofa and Enz took the floor. Syempre naawa naman ako sa kapatid ko kaya nakipagpalit ako sa kanya. Bata pa kami no'n. I think he was ten and I was twelve. Pero hindi ko malimutan yung pangyayaring 'yon.

Kaya the first time na dumalaw yung tita ko na 'yon, pinatulog ko sila ng pamilya niya sa malamig na sahig ng salas namin.

I even extended the courtesy at pinalatagan ko pa sila ng banig.

"Sige, Meg, doon ka sa guest room."

"Good. I'll go ahead." I headed up the stairs.

"Wait!"

"What?!" I snapped. Pagod ako. Stressed. Nanakawan pa. Plus the fact that I hate her so much. Walang pwedeng sumisi sa 'kin kung bakit ganun akong makitungo sa kanya.

And yet again, she trembled under my stare. What a weakling. Enz shook his head disapprovingly.

"Hindi ka ba kakain?" she asked.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Jhing Bautista, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Jhing Bautista
@JhingBautista
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 28 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @JhingBautista.
The Filthy, Rich BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon