15

2.8M 85.9K 182K
                                    


"Touch move." 


Ngumisi si Hiro sa 'kin nang masama ko siyang tinignan. Swabe niyang ginalaw ang knight niya at nagpahalumbaba ulit, hinihintay na tumira ako sa chess. Nang ginalaw ko ang akin, naramdaman ko kaagad na mali ang ginawa ko.


"Checkmate." Ngumisi siya lalo at tinaas ang dalawang kamay niya. 


"Ayaw ko na nga!" Inis kong ginulo ang mga pyesa sa chess at humiga sa kama.


"Ang pikon naman!" Tumatawa siya habang nililigpit ang chess board. "Siyempre, ayaw mo na. Talo ka, eh." 


Hindi ko siya pinansin at humalukipkip lang habang nakahiga sa kama niya at nakatingin sa kisame. Tumawa na naman siya at lumapit sa 'kin para halikan ako saglit pero iniwas ko ang mukha ko kaya tumama ang halik niya sa pisngi ko.


"Come on! Don't be such a loser!" He laughed again and kissed me on my lips. 


"Ang bigat mo!" reklamo ko dahil nasa taas ko siya. 


Dinaganan niya pa lalo ako sa kama at mahigpit akong niyakap. Tumawa ako sa sobrang likot niya habang hinahalikan niya ang mukha ko. 


"Mag-impake ka na! Landi mo!" 


"Help me, please?" He kissed my cheek. 


Umirap ako at bumaba na ng kama para tulungan siyang mag-impake. Flight na niya bukas kaya naman kailangan niya na talagang mag-impake ngayon. Ni wala pa nga siyang nasisimulan. Ang dami pa naman niyang dadalhin. 


Nilapag niya ang dalawang malaking maleta sa sahig at binuksan ang cabinet niya para ilabas ang mga damit niya. May kung anong tumusok sa dibdib ko habang nilalabas niya lahat ng 'yon. Kinuha ko ang limang shirt at nilagay sa maleta niya.


"I'll leave you with three shirts. Hindi na kasya sa maleta ko." Nilapag niya ang tatlong shirt niya at kinuha ko naman 'yon. "Also sweaters. They take up too much space in my luggage."


Nilapag niya rin ang tatlong sweaters at dalawang jacket doon. Para naman akong kulang sa damit at agad-agad kinuha 'yon. Amoy na amoy ko kaagad siya sa mga damit niyang 'yon. Panigurado maaalala ko lang siya kapag sinuot ko 'to. Itatago ko na lang. 


"You can have my perfume as well. I'll just buy another one there." 


"Kung ibigay mo na kaya lahat, 'no?" sarkastikong sabi ko. "Para kang namimigay ng donasyon diyan."


Tumawa siya at nilabas ang iba pa niyang gamit habang nagtutupi ako ng iba niyang mga shirt. Pagkatapos, umupo ulit siya para tulungan akong ilagay ang mga damit niya sa maleta. Habang tumatagal at napupuno ang maleta niya ng mga damit niya, sumisikip ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. 


"I'll just get my laptop." Tumayo siya at lumabas ng kwarto. 


Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon