Chapter 17

67.7K 3.4K 4.3K
                                    

[Chapter 17]

"Hoy, kayong dalawa! Anong ginagawa niyo diyan?" saad ni Gian na napasingkit pa ng mata. Doon ko lang napagtanto na mukhang hahalikan ko pala si Adrian. Agad akong napaatras, nawalan naman ng balanse si Adrian at paupong bumagsak sa hagdan. Muntikan pa siyang mahulog kaya napasigaw ng malakas si Gian.

"Ano ba kasing ginagawa niyo diyan?!" patuloy ni Gian sabay hila kay Adrian na mukhang nakakita ng multo sa gulat. Napaiwas na lang ako ng tingin, paano kaya kung ang mama ni Gian ang nakakita sa amin? Baka kung anong isipin nila.

"K-kasi si Adrian iniinis ako e, susuntukin ko sana siya" saad ko, napataas naman ang kilay ni Gian. "Ganun ka ba sumuntok, Aries?" duda niya, napatingin ako kay Leo, nakatingin siya sa sahig "Kumain na tayo" iyon lang ang sinabi niya at dumaan sa pagitan namin. Hindi ko alam pero parang biglang lumamig ang tensyon lalo na nang dumaan siya sa hagdan at nagtungo sa kusina.

Napatingin ako kay Adrian na biglang umiwas ng tingin saka dali-daling tumakbo at humabol sa kanila sa kusina. Napapikit na lang ako, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mali magpaliwanag kahit kailangan ko naman talaga magpaliwanag. Sa huli, wala na lang akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila sa kusina.

Hinahanda na ni Leo ang mga plato at kubyertos. Ininit naman ni Gian ang ulam na niluto ng mama niya kanina, habang si Adrian naman ay nagtitimpla ng juice. Naupo ako sa hapag-kainan, gusto ko sanang tumulong sa kanila kaso wala na akong maitutulong. Napataas naman ang kilay ni Gian nang mapatingin ito sa akin, "Mahal naming reyna, baka naman pwedeng tumulong ka dito. Lagyan mo ng yelo 'yung juice" gusto ko sanang irapan si Gian pero naalala ko na siya pala magpapakain sa amin ngayon.

Tatayo na sana ako pero biglang tumakbo si Adrian sa refrigerator sabay kuha ng yelo. "A-ako na!" saad niya na parang nagmamadali na kasama sa cooking show. "Tulungan mo na lang si Leo maglagay ng baso sa mesa" saad ni Gian, maglalakad na sana ako papunta kay Leo pero nagsalita ito nang hindi tumitingin sa amin.

"Tapos na" tipid niyang saad saka pumunta sa C.R. "Tabi-tabi" nagmamadaling saad ni Gian sabay lapag ng mainit na kawali sa mesa. Adobo ang niluto ng mama niya. "Bakit di mo sinalin sa lagayan?" tanong ko, umupo na si Gian sabay salin ng tubig sa baso niya. "Dagdag hugasan pa, ikaw ba maghuhugas?" pagsusungit niya. Kung minsan hindi ko maintindihan ko nireregla rin ba siya dahil palagi niya akong tinatarayan. Gusto ko rin siyang tirisin.

Lumapit na rin si Adrian sabay lapag ng isang pitsel ng orange juice. Uupo dapat siya sa tabi ko pero bigla siyang napatigil sabay upo sa tabi ni Gian. "Sabagay, wala ka palang naitulong sa amin Aries kaya ikaw ang maghuhugas mamaya" wika ni Gian sabay ngisi, dumating na si Leo at naupo sa bakanteng upuan, sa tabi ko.

Binuksan muna ni Gian ang TV nila pero dahil ayaw gumana, pinukpok niya ang maumbok na likod nito bago bumukas ang TV. Umupo na siya at nagsimula na kaming kumain, kasalukuyang pinapalabas ang isang interview sa dating miyembro ng galaxy storm na solo artist na ngayon.

Pinapakita sa screen ang bago nitong solo album. "Bakit kaya nabuwag ang banda nila? Mukha namang hindi naman ganun ka-busy si Sir Ched" saad ni Gian habang puno ang bibig niya ng pagkain pero naintindihan pa rin namin ang sinabi niya. "Sayang. Ang gaganda pa naman ng kanta nila" patuloy niya, halos siya lang ang nagsasalita sa aming apat.

Pagkatapos namin kumain, nagpatuloy pa rin sa pagsasalita si Gian tungkol sa susuotin namin sa contest. Sinigurado namin na hindi na mauulit 'yung kahihiyan na dinanas namin dahil sa creativity na pinaglalaban niya. Tumayo si Leo at umakyat sa kwarto ni Gian, ilang sandali pa, bumaba na siya bitbit ang gitara niya.

"Uuwi na muna ako" saad niya, napatigil naman kami at sinundan siya ng tingin hanggang sa pintuan. "Bakit?" tanong ni Gian, gusto ko ring magtanong pero hindi ko alam kung bakit parang natuyo ang lalamunan ko. Nasa pintuan na siya habang hinahanap ang tsinelas niya sa labas.

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon