Chapter 53

17K 651 294
                                    



Zaparta's POV

Tanghali na halos magising ang lahat kinabukasan. Ang ilan samin ay pumunta na sa dagat para maligo. Mga naka-swim suit silang lahat. Two piece man o one piece. Marami na naman akong narinig kung bakit nakasando ako at trunks na short ang suot ko. Paulit ulit ko lang din sinasabi sa kanila na hindi ako nagsusuot ng ganong klaseng swim suit.

Kasama ko si Alex na naglalaro sa mababaw na bahagi ng dagat. Nasa loob sila Ate kaya ako ang nagbabantay kay Alex. Kasama namin ang kaibigan nyang si Ray. Nagsasabuyan sila ng tubig tapos naghahabulan. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila dahil baka mamaya ay mapahamak sila.

Nung dumating sila Ate, sila na nagbantay sa dalawang bata. Umalis na ako sa dagat at kinuha ang tsuwalya ko. Pinunasan ko ang buhok ko habang pinapanood ang mga kasamahan ko na naglalaro sa dagat. Yung iba nagpi-picture-an at naglalaro ng beach volleyball. Naglakad lakad na muna ako.

May ibang tao din kaming nakakasama sa beach na naka-stay sa katabing resort. Yung iba nga sa kanila puwesto talaga sa malapit sa mga kasamahan ko para lang matignan sila lalo na ang mga lalaki. Busog na busog sila sa daming babae. Napapailing na lang ako sa kanila. Hindi halatang pinagnanasaan ang mga kasamahan ko.

"Zap?" hinanap ko ang tumawag sa pangalan ko. Pamilyar ang boses nya kaya alam kong ako yung tinawag nya.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko sya dito. Nakakagulat na nandito sya. Napatingin ako sa itsura nya ngayon. Nakasuot sya ng two piece bikini na kulay item. Namula ang mukha ko nung mapadpad ang tingin ko sa dibdib nya. Umiwas agad ako ng tingin.

"D-Dru." may ilang na banggit ko sa pangalan nya. Nakangiting lumapit sya sakin. Bigla naman akong napalunok.

"Vacation?" tanong nya nung makalapit sya sakin. Tumango ako.

"Ikaw ba?" tumingin ako sa paligid kung kasama nya ang iba pang miyembro ng Mušḫuššu Empire.

"Yup, with my family." tumingin ako sa kanya pagkasabi nya na kasama nya ang pamilya nya. "Dito kami nagpasko pero uuwi din kami bukas. Ikaw? sino ang mga kasama mo dito?" tanong nya.

"Ah buong team, pati ang Miracle, Shakers at Meteorite kasama ang mga pamilya nila at iba pang mga kaibigan." sagot ko.

"Ohh kaya pala naka-reserve ang buong resort ni Tita Avey dahil madami kayo." sabi nya. Mukhang balak dapat nilang sa resort ni Tita Avey mag-book pero dahil naka-reserve ito para samin ay hindi sya nakapag-book.

"Gusto mo bang makita sila Stace?" tanong ko. "Nag-lalaro sila ngayon ng volleyball." dagdag ko.

"Yeah sure." nagulat ako nung hinawakan nya ang kanang braso ko. Namula ang mukha ko nung tumama ang braso ko sa dibdib nya. "Sabi mo kasama nyo ang Shakers hindi ba? edi kasama ninyo si Drew?" tanong nya habang naglalakad na kami papunta sa mga kasamahan ko.

"Yu-yup." nautal na sabi ko. Ramdam ko kasi ang dibdib nya. May kalakihan pa naman ito.

May nakakita samin, yung ilan nagtataka kung sino ang kasama ko lalo na ang Miracle, Meteorite at Shakers members. Nakita din kami ni Lori at nagtitili syang sinigaw ang pangalan ni Dru at tumakbo papunta samin. Dahil don ay napansin na kami ng buong Dragon Empire. Pinagkaguluhan nila si Dru kaya napabitaw na sya sakin.

"Zap." tumingin ako kay Marceline na may malesyosong tingin. Alam ko na kung ano ang iniisip nito lalo na alam nyang may gusto sakin si Dru. Isang oras din ang tinagal ni Dru kasama sila Stace, nakipag-kwentuhan at nakipaglaro sya kanila Stace. Nakita kong nagpapaalam na sya sa kanila Stace tapos lumapit sakin. Bigla naman akong nahiya at kinabahan dahil alam kong nakatingin samin ang halos lahat.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now