Kabanata 14

18.7K 679 666
                                    

"Kailan kaya ulit next game natin? Yung isa kasi riyan parang sobrang busy naman sa babae niya," Jordan gave me a playful smile. Matagal na rin 'yung huling polo game namin, at ilang beses ko na ring natanggihan ang pag-aya nila sa akin. Ngayon na lang din kami ulit nagkasama-sama na apat. Declan and Greg are both growing as an adult while Jordan and I are busy with school.

"Set na 'yan! Valentine's Day, game natin!" Ngumisi naman ngayon si Declan. He knew that I can't play with them that same day. That's Valentine's Day, and I have a plan on surprising Yshara on that day. "But I guess someone won't make it with us, ayos lang namang ipagpalit tayo, kung saan siya sasaya." Nagkibit ito ng balikat at sabay-sabay silang tatlo na tumawa. Even Greg laughed so hard with them, ako ata talaga ang pagtri- trip-an nila ngayong araw.

"I can't say yes, I'm going to surprise Yshara for that day," kinuyog nila akong tatlo.

"Sige next time na lang lover boy!" Si Declan na sinimulan ilingkis ang braso sa braso ko, umakto pang parang babae. Napailing na lamang ako habang nangingiti.

Sa buong araw na iyon ay nagkwentuhan lamang kami ng mga naganap sa amin noong mga nakaraang araw na hindi na kami madalas makapagkita.

"Si Jordan din naman may love life na ata 'to!" Napaatras si Jordan nang dahil sa panghuhuli ni Declan, ngumisi si Greg sa kanya. He still never mentioned about his mystery girl before, we all respected that. Pero hindi pa rin talaga namin maiiwasang hindi ungkatin ito, it was the first time we saw him so serious about one girl.

"Wala eh, talo ako." Nagkibit ito ng balikat tsaka humingang malalim. We all look at him. Naging tahimik kaming lahat matapos ang naging katuwaan, we are all ready to hear him out, on what really happened and who was that girl. "Kung kami pa rin naman sa hinaharap, kami naman talaga. Kung hindi pa ngayon, baka balang-araw." Nagkatinginan kami ni Greg. It blew us.

Nagsalin siya ng wine sa kanyang kopita, bago inisang lagok ito. "I thought she was being unfair, that she isn't just believing that I'm serious about her, that I'm the man for her, until it hit me and made me realize na... posibleng ako nga ang para sa kanya, subalit hindi pa para sa aming dalawa ang oras at panahon na ito sa ngayon, pero umaasa pa rin talaga ako na balang araw. Sana balang araw... that we can share the right time together because I know from my heart, na siya at siya pa rin naman hanggang dulo."

Natigilan kaming tatlo, this is a rare scene of Jordan saying those kind of words. Kung sa normal na pag-uusap baka nagtawanan na lamang kami, we knew this time, he's really being serious. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal.

Tinapik siya ni Declan sa kanyang likuran. I did the same. Tinanguan niya lamang kami bago muling lumagok ng wine. Malungkot kaming nagkatinginan. After all, kahit may pagkaloko-loko ang kaibigan kong ito, he deserves to be love. We all deserve to be love rightfully and faithfully. We all deserve to find someone who knows how to love the way we all deserve.

It was past 7 in the evening when we all decided to call it a day and go home. Alam naman ni Yshara ang pakikipagkita ko sa mga kaibigan ko ngayon. I didn't miss the chance to update her, and made sure I won't get drunk at all.

Ako:

Baby, I'm going home now. See you tomorrow!

Baby:

See you! Please drive safely.

Sa simpleng reply na iyon ay napakilig ako. She will always give me a different feeling. Masarap sa pakiramdam na alam namin pareho, nagkakaintindihan kami tungkol sa nararamdaman namin para sa isa't-isa. Hindi man ako sigurado kung mahal niya na rin ba ako, but at least, I'm assured that she's mine like I'm hers.

Sa tuwing tititigan ko siya, alam ko sa sarili ko na siya ang ihaharap ko sa altar, sa Panginoon. Sa tuwing mayayakap ko siya, pakiramdam ko ako ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo, ang gusto ko lang ay mahalin siya at maprotektahan mula sa mga bagay na pwedeng manakit sa kanya. Sa tuwing mahahawakan ko ang kamay niya, naging pangarap ko na ang tumanda kasama siya. Sa tuwing madadatnan ko siyang naghihintay sa akin kasabay nang pagngiti niya, ang gusto ko lang ay mahalin siya, habambuhay.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon