Entry #47

206K 4.7K 144
                                    

Dear Future Boyfriend,

Alam mo ba yung feeling na may new friend ang friend mo at dahil umabsent ang friend mo ay kailangan mong ma-stuck kasama friend nya? Ni hindi mo sure kung magkakasundo kayong dalawa dahil ang totoo hindi naman talaga kayo close. At paulit-ulit mong ipinagdarasal na sana ay matapos na ang araw na ito para matapos na ang awkward day mo kasama ang friend ng friend mo. Yon ang feeling na kasama si Ashton. Hindi ako komportable at napaka-awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Ito ang unang beses na magkasama kami ni Ashton nang wala si Ashleen para pumagitna sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Lalo pa sa ginawa nya kanina kina Steve. Sinabi nyang girlfriend nya ako. NAGULAT AKO, NATURAL! Halos atakihin ako sa puso ko kanina nang bigla nalang syang nagsabi nang ganon. Pero naalala ko sa mall noong hawakan nya ang kamay ko para magpanggap habang nandoon ang ex nya. Siguro ayaw lang nya kay April kaya nagpanggap ulit sya. Pero ang awkward ngayon... mas lalong naging awkward ngayong dalawa nalang kami na magkasama.

Alam ko naman na hindi rin sya komportable habang kasama ako. Sino ba ang magiging komportable na kasama ang bestfriend ng Ate nya sa isang lugar na siguradong hinihiling nya na friends nalang nya ang kasama nya?

May kapatid ka ba? Sana babae para maging friends kami kaagad. Friendly naman ako... basta babae. :)

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon