21. Love is in the Air

4.3K 250 52
                                    

ISANG ngiti ang sumilay sa bibig ni Trish. Kanina pa siyang lihim na nakamasid kina Lorraine at Brielle.

Nang makita niyang umalis bigla si Lorraine ay parang alam na niya ang dahilan.

'I think it's time for me to return the favor,' pilyang wika sa isip.

Linapitan niya si Brielle. "Hey there, beautiful! Care to dance with me?" Nilakasan niya ang boses dahil halos hindi na sila magkarinigan sa lakas ng tugtog.

"Oh sure, sexy!" ang tugon naman ni Brie.

They did a sensual dance. Mukhang wala na ring pakialam sa paligid si Brie dahil sa tama ng alak.

Napangisi si Trish. Mas madali niyang maisasakatuparan ang balak dahil doon. Idinikit pa niyang lalo ang katawan kay Brie. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa leeg nito. Awtomatiko namang pumulupot ito sa baywang niya.

Sa gilid ng mga mata ni Trish ay nakita niya ang papabalik na pigura ni Lorraine. A wicked smile formed on her lips. Inilapit niya ang bibig sa tainga ni Brie at nagsalita. "I wanna try something."

Kumunot naman ang noo ni Brie sa kanya.

Bago pa man ito makapagtanong ay sinakop na niya ang bibig nito. Nakita pa niya ang panlalaki ng mata ni Brie. Hindi ito agad nakahuma. In her peripheral view, she saw Lorraine froze. Napangiti si Trish sa pagitan ng halik at lalo pang idiniin ang bibig kay Brielle. Nang magmulat siyang muli ay nakita niya ang pagtalikod ni Lorraine. Kasabay noon ay ang sigawan ng mga tao sa paligid nila.

Pinakawalan na niya si Brie at lumayo.

"Whoah-oh... What was that for?"

Trish was almost offended seeing that Brie wasn't a bit affected by the kiss. Almost. Only if she hadn't feel the same. Tumawa siya. "Wala lang. Gusto  ko lang subukang halikan ka. Tama nga ako."

Ikiniling ni Brie ang ulo na tila hindi pa rin maka-gets. "Okay?"

Pinagkaguluhan naman sila ng mga kasama na tila tuwang-tuwa sa nakita.

Nahagip ng mata ni Brie ang likod ni Lorraine, na noon ay papasok na ng cottage house. Nangunot ang noo niya. Pinilit niyang makawala sa mga kasamahan. "Okay. Okay. Guys... Sandali." Medyo nahihilo na siyang naglakad upang puntahan si Lorraine.

Nakangisi namang sinundan siya ng tingin ni Trish. 'Mission accomplished.'

Sa isang banda ay isang tao pa ang nakamasid sa lahat ng pangyayari. Nakakunot ito at tila hindi nagustuhan ang nakita. Napatingin ito sa hawak na cellular phone at napailing. Nag-dial ito ng numero at itinapat ang telepono sa tainga.

Halos pasuray na ang lakad ni Brie habang tinutumbok ang cottage house. Binuksan na niya ang pinto dahil hindi naman naka-lock iyon.

Nang makapasok ay nakita niya si Lorraine na nakahiga na sa kama. Nakatalukbong ito ng kumot at nakatalikod sa kanya.

Napabuntung-hininga si Lorraine nang maramdaman ang pagpasok ni Brie. Naramdaman niya ang paglundo ng kama nang umupo ito.

"Oy... Ba't nakahiga ka na diyan? 'Di pa tapos ang party," anito sa medyo lasing na'ng tono.

"Pagod na 'ko, Brie. Gusto ko nang magpahinga," malamig na tugon niya at hindi na nag-abalang lingunin pa ito.

"Killjoy mo talaga, Lagring. Tara, magsayaw pa tayo ro'n," pangungulit pa ni Brie at niyugyog siya sa balikat.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon