Chapter 13 : Bloodshot eyes

73.9K 3.8K 791
                                    

13. 

Bloodshot eyes

Tammy

Dumaloy ang matinding kilabot sa sistema ko at naiwan akong nakanganga. Pinagmasdan ko ang luhaang mata ni Tessa na halatang hanggang ngayon ay takot na takot parin.

Si Ponzi? Paanong si Ponzi?

Hindi maari...

"T-tessa sigurado ka ba? S-si Ponzi?" Halos hindi ako makapagsalita.

"Ms. Tamara halika na po, andito na si Chief Toralba!" Lumingon ako at nakita ko ang nurse na natataranta na at gustong-gusto na akong paalisin. Muli kong ibinalik ang tingin kay Tessa at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Tessa sigurado ka ba?! Tessa wag kang magsisinungaling!"

Hindi ko na narinig pang sumagot ang nakaawang na bibig ni Tessa nang tuluyan akong kinaladkad ng dalawang nurse palabas ng kwarto.

"Miss pasensya na pero ayaw lang talaga naming mapagalitan." Paalam ng nurse nang makarating kami sa hilera ng mga upuang kinaroroonan nila Milky kanina ngunit wala na sila dito ngayon.

"Tammy pasensya ka na natagalan ako." Humihingal na sambit ni Calix nang makahabol.

"Two times late. Isa nalang strike ka na." Biro ko.

"Better late than never." Ngumisi siya't inakbayan ako.

Aalis na sana kami nang saktong makasalubong namin si Chief Toralba. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.

"Ikaw na naman Ms. Consulacion?" Aniya kaya ngumiti na lamang ako.

"I just want to visit Tessa. But bawal daw kasi.." Palusot ko na lamang.

"Calix hijo andito ka rin pala?" Ngumiti si Chief Toralba kay Calix, palibhasa lolo ni Calix ang may-ari ng tanging pahayagan dito sa Crimson Lake at gusto niyang sumipsip.

Calix held me closer to him, "My girlfriend is the best right? Niligtas na nga niya ang anak mo, binibisita pa niya ngayon." Ngumisi si Calix kay Chief Toralba na para bang nanunuya. I have always known na may inis si Calix kay Chief Toralba, hindi ko lang alam bakit.

"Tell your grandpa I said hi." Ngumiti parin ang matandang pulis ngunit agad itong nawala nang ibinaling niya ang tingin sakin, "And as for you, Ms. Consulacion, i'm keeping my eye on you."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya iniyuko ko na lamang ang ulo ko at napahawak ng mahigpit kay Calix.

"At bakit?" Lumingon ako kay Calix at kinabahan ako nang makita ko ang galit sa mukha niya. Sa isang iglap, para bang dumilim ang mukha niya.

"Wala hijo." Giit ni Chief Toralba at tumawa ng pilit. "Binibiro ko lang 'tong girlfriend mo."

"Ah, akala ko nagsisimula ka na namang mambintang. Diyan ka kasi magaling eh, yung mambintang ng walang sapat na dahilan." Matabang na sambit ni Calix kaya lalo akong naguluhan.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon