Chapter 309

507K 19.3K 22.2K
                                    

A/N: Happy Heart Month.

Happy Birthday to this beautiful people.

🥳Mariel Lorenzana
🎂Antonette Peñafiel
🎁Diana Kristine Sanao
🎉Nika Candar

And Congratulations

🎊Jhazz Czrine

Sa dami ng friend request na inasikaso ko. Nag-hang phone ko. Kaya hanggang dito nalang muna.

Expect the wrong grammar and typo. Thank you!



Chat

Jay-jay's POV

"Oy Aries."

Hindi niya ko pinansin.

"Oy Aries."

Hindi pa rin siya lumilingon.

"Oy Aries."

Kita ko ang pagsandal niya sa upuan at pagtaas baba ng balikat na para bang malalim ang buntong hininga niya.

Bumalik ulit siya sa ginagawa.

"Oy Aries."

Pansin ko ang pagtaas ng kamao niya na mahigpit ang hawak sa ballpen. Malakas din ang naging pagbuga niya ng hangin.

Meron siyang binubulong na hindi ko marinig at maintindihan. Mukang bumubulong na siya ng sumpa para sa akin.

May sa impakto pala talaga ang lahi namin.

"Oy...." Huminto ako sandali ng sumandal ulit siya. "....Aries."

Padabog siyang tumayo at hinarap ako. Agad naman akong rumolyo sa puting kumot niya para magtago kahit alam ko namang alam niya kung nasan ako. Nagmuka tuloy akong lumpiyang sariwa sa handaan.

Ayan na! Tago!

"Ano ba?! Nakaka-istorbo ka na!" Inis na sabi niya sakin.

Hindi ako nagsalita. Kumibot-kibot lang ako na parang uod na naputulan ng katawan at kikisay-kisay.

Naramdaman ko nalang ang pagtulak niya sakin. Sinubukan kong manlaban pero dahil sa nakarolyong kumot nahirapan akong gumalaw. Nawalan din ng saysay yon ng maabot ko na ang dulong bahagi ng kama.

"Waaggg! Mahuhulog ako!"

"That's exactly my plan!" Sagot niya at hinayaan akong malaglag.

Napa-aray nalang ako ng tumama ako sa sahig. Kahit makapal ang kumot na nakabalot sakin naramdaman ko pa rin ang impact.

Sinubukan kong bumangon para tignan ng masama ang walanghiya.

Akala mo! Talagang hindi ka bati ni Taurus.

"Ikaw pa galit?" Tanong niya na may halong pagbabanta.

Ngumiti ako ng matamis. "Hindi. Tuwang-tuwa nga ako eh."

Tinalikuran niya ko at bumalik sa ginagawa niya. Pinilit ko namang alisin ang kumot na nakabalot sakin. Nang makatayo ng maayos binalik ko sa kama niya yon.

Nakanguso akong lumipat sa bahagi ng kama na malapit sa kaniya. Naupo ako don at pinagmasdan ang likod niya. May gusto akong itanong sa kaniya kayalang ayaw naman niya pa-istorbo.

Siya na masipag mag-aral.

"Oy Ari-."

"The fvck!" Sigaw niya sabay hampas ng palad sa ibabaw ng lamesa. "Suko na ko. Ano bang kailangan mo?" Inis niya kong hinarap.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon