Chapter 2 : Gatorade

1M 22.8K 10K
                                    

Chapter 2 :  Gatorade


Kiss for a demo.


What kind of demo is that?


"One kiss." Ulit sa 'kin ni Francis.


I don't know how to process everything all at once. Nagsisimula na ring magalit ang mga babae sa likod ko. Who would have thought that I could actually use boyfriend, kiss, free, demo all in one sentence?  A boyfriend can give you a kiss for a free demo.


Again, what kind of demo is this?!


Sinong maniniwala dito?


"Bebs, ano na!"


Ah, best friend ko.


"Ang tagal naman!"


"Kami muna!"


At sila.


"Miss." Natauhan ako noong biglang bumulong si Francis sa akin. "Pili ka nalang. Ang daming naghihintay, oh."


Sinundan ng mga mata ko ang kamay niya nang tinuro niya ang mga naghihintay sa likod ko. Si Dominique, mukhang tulala pa rin dahil sa nangyari. At yung ibang babae sa paligid niya, kulang nalang ay sabunutan ako at higitin paalis ng pwesto ko.


Tumingin ulit ako sa may stall at sa limang lalaki na nakaupo sa likuran ni Francis. The idea of this demo and the thought of five good-looking guys agreeing on doing this baffled me. Well, weird naman lahat.  Trabaho ba nila 'to?


Ang hirap talagang iprocess!


Blue.


Something blue caught my attention. He just adds himself to the list of weird things I encountered today. This is actually the first time I saw a handsome guy sporting an icy blue hair color. Bakit hindi siya ang pinili ni Dominique?


"Aaah." Francis nodded as if he read my mind. "Parang alam ko na kung sinong pinili mo. Gatorade, ikaw daw."


GATORADE? Hindi ko napigilang mapatawa. Yes, his hair is blue but not that Gatorade Blue Bolt blue. It's more like bubblegum ice cream color, to be honest.


I heard his annoyance and just realized that he can actually see and hear me laughing. Lumabas na siya nang stand at pumunta sa harapan ko kaya naman mas lumakas ulit ang sigawan ng mga babae sa paligid. Ang tangkad niya! Pakiramdam ko nangawit ang leeg ko dahil nabigla ako sa pagtingala.


"Smack, lip-lock or torrid?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tanong niya. Inirapan niya ako saka bumuntong hininga. "Para sa demo. Ano na?"


Bakas sa tono ng boses niya ang inis. Aba! Kung trabaho niya ang maging "boyfriend", pwes hindi siya qualified. Ang arogante! I already sensed that he's impatient and mayabang. Masama siguro ugali nito!


Sayang pa naman kasi gwapo.


Yikes! Please forget the gwapo part.


Looks will never be enough to compensate a shitty attitude.


"Alam kong gwapo ako, hindi mo na kelangang tumitig."


"I'm not staring at you. I'm glaring at you."


"Fine, fine. Tapusin na natin 'to." Napaurong ako nang lumapit siya at nang hawakan niya ang mga pisngi ko. Paulit ulit na sumigaw ang mga salita ni Dominique sa utak ko. Ohmydee. Ohmydee. Ohmydee!


Boyfriend Corp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon