22. Feelings

4.6K 259 40
                                    

IT WAS soft and warm. Iyon ang unang rumehistro sa diwa ni Brielle. The sensation made her feel like she was home, back to the arms of her mother. She felt her lips stretched into a smile because of the feeling.

Sunod na nagising ay ang pang-amoy niya. Her nose caught a very pleasant smell. Suminghot pa siya upang makuha kung anong amoy iyon. Orange? Coconut? It was a mixture of both. Hindi niya alam na ganoon pala kabango ang kalalabasan kapag pinagsama ang dalawa.

Ah, heaven. I could just live like this.

Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa bagay na pinagmumulan niyon. Then, something tickled her nose. Kinapa niya kung ano iyon. May malalambot na mga hibla siyang naramdaman sa kamay.

Was this... Hair? Wait   —   what?

Bigla siyang napamulagat. Ibinaba niya ang paningin sa bagay na iyon. "What the   —   did I slept with someone?" Itinagilid niya ang ulo upang sipatin ng maayos ang mukha ng nakadagan sa kanya. It's Lorraine. Bahagya pa siyang napasinghap.

Pinakiramdam niya ang sarili. "I'm still... I'm still clothed, and I don't feel anything funny," she muttered, relieved. Tiningnan din niya si Lorraine at nakita niyang naka-sando at cotton shorts din ito. Napabuga siya ng hangin. "Phew... Akala ko, nasira ko na ang rule ko."

Napaisip siya. Pa'no kami nakarating sa ganitong posisyon?

Muli niyang tiningnan ang mukha ni Lorraine. Himbing pa rin ito. Bigla siyang napangisi. "Seeing na ikaw ang nakadagan sa'kin... Siguro, ikaw ang nangyakap sa'kin, 'no?" pag-aakusa niya kahit hindi nito naririnig.

Hindi niya alam na siya naman pala ang salarin. Dahil sa pagkalango sa alak ay hindi niya maalala ang karamihan sa nangyari nang nagdaang gabi.

"Hay, Lorraine... Ang lakas na talaga ng tama mo sa 'kin. Sabi ko na, bibigay ka din sa kamandag ko," patuloy pa niya na napapalatak.

Noon naman niya naramdaman ang sakit ng ulo. Nasapo ang noo. "Haizt... Napadami yata ako ng inom kagabi, ah."

Pumikit ulit siya, ngunit napamulat din nang maramdaman ang paggalaw ni Lorraine. Kasabay noon ay ang mahina nitong pag-ungol. Gumuhit na naman ang nakalolokong ngiti sa bibig ni Brie. Sigurado, kapag nagising 'to...

Noon nagbukas ng mga mata si Lorraine. Nang iangat nito ang mukha ay sinalubong niya ito ng napatamis na ngiti   —   na may halong pang-aasar. Hindi na niya napigilang mapatawa nang biglang manlaki ang mga mata nito, kasunod ng biglang pagbalikwas.

"Anong ginawa mo sa'kin!" bulalas nito na napatakip pa ng dalawang kamay sa dibdib.

Itinaas naman ni Brie ang dalawang kamay. "Wala ah!" depensa niya. "Ikaw nga itong nakadagan sa'kin."

Tila may naalala ito base sa reaksyon ng mukha. Nailabas nito ang ngipin na tila galit.

Hindi nakapag-prepare si Brie sa sunod na nangyari.

Napabiling ang pisngi niya sa kanan. "Hah!" singhap niya. "Aray. Ba't ka biglang nananampal!" inis na reklamo niya. Nasapo niyang muli ang noo. Parang naalog yata ang utak niya. Anak ng   —   may hang-over na nga, sasampalin pa! Napaangil siya sa inis. "Ano bang problema mong babae ka!" singhal niya.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon