Kabanata 32

1.3M 35K 18.8K
                                    

Kabanata 32

Audition

Ilang gig ang hindi ko sinamahan. Hindi dahil masama ang loob ko sa kanila, kundi dahil tingin ko ay kailangan kong tumigil. I understand their reaction that night and it's all okay.

"Hello?" Narinig ko ang boses ni Wella sa kabilang linya.

"Megan!" Tawag ni daddy habang tinuturo kung saan napadpad ang kanyang bola sa malayo.

Nilagay ko ang kamay ko sa aking noo para pigilin ang ilaw na nanggagaling sa papalubog na araw.

"Come on! You're no fun! Pinagbibigyan mo ako, honey." Tawa ni dad.

"Dad! I am dead tired!" Sigaw ko habang tinatapik ang aking kabayo at binabalanse ang sarili ko.

Hindi naman ganito ang palagi kong ginagawa pero nagpasama si daddy sa akin ngayon at ito ang isa sa paborito niyang past time, ang paglalaro ng Polo.

"Why? Ano ba kasing ginawa mo?" Tanong niya at sinabayan ang paglalakad ng aking kabayo pabalik sa Lounge.

"Sumama ako kina Carlos at Everlyse kanina sa gym. God, I was there for 4 hours at sinama pa ako ni Everlyse sa hot yoga. Anyway, dad..." Sinenyasan ko siyang may tawag at bumaling ulit ako sa cellphone.

Tahimik lang si Wella doon. Natatawa pa ako nang sinagot ko ulit.

"Sorry, Well. What's up?"

Ilang beses niya na akong tinawagan sa linggong ito para sa gig nina Noah pero hindi ko pinapaunlakan ang mga pagyayaya niya kaya sila lang ang mga pumupunta doon.

"Uhm, are you busy? I'm sorry hindi ko alam. I should call sometime na lang." Medyo nahihiya niyang sinabi.

"No, it's fine. Nag rerelax lang kami ni Dad."

Nakita kong bumaba si dad sa kanyang kabayo at kinausap ang caretaker nito. Tinitingnan ko ang boots kong nakasampa pa sa gear ng kabayo. Pinaglaruan ko ang paa ko at naghintay sa sasabihin ni Wella.

"Uhm, so... tinulungan mo na ang Zeus na makapasok sa Moon?" She asked.

Ngumiwi ako. "Hindi pa... Actually, sana next month ko pa gagawin. I'm sorry. I just want to be... free from them for the next weeks."

"Really? So? They got in because of pure talent?" Medyo narinig ko ang tuwa sa boses ni Wella.

"They got in?" Nanlaki ang mata ko.

Alam kong dapat ay hindi na ako magtaka kung nakuha sila. Sinabi na ng scout namin noon na gusto nila ang Zeus. Hindi na nila kailangan ang tulong ko pero willing ko paring gawin ang tulong na iyon dahil sa ginawa ko.

"Oo. May audition sila sa Moon next week. Sina Wade Rivas ang mag ju-judge sa lahat ng kasali. Twenty bands at one time. Pinili na iyan at isa sila sa napili! Ang sabi ay tatlong banda ang kukunin para recording!" Sabi ni Wella, excited.

Nangingiti ako habang bumababa sa kabayo. Nakita kong pumwesto na si dad sa may pool side sa malayo kung nasaan nakaupo si mommy at nag rerelax. Sinenyasan ko na lang din ang caretaker na kunin na ang kabayo. Isang haplos sa mukha ng kabayo at tumalikod na ako para magpatuloy sa paglalakad.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon