Kayleen

228K 6K 1.6K
                                    

Kayleen

Nakapikit na ako at sinusubukan na matulog nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Tumingin ako sa katabi kong mahimbing na natutulog. Dahan-dahan akong umupo sa kama at tinignan ang cellphone ko. Isang text message ni Mr Creeper ang nakita ko.

1 New Message

From: Mr Creeper

Those who snore always fall asleep first. :)

Napatawa naman ako bigla sa text nya. Kaagad akong nag-reply.

To: Mr Creeper

Guess you’ll never know.

_______________________________________

From: Mr Creeper

I want to know. :)

_______________________________________

To: Mr Creeper

Ha! Tough luck Mr Creeper! :P

Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Iniwan ko si Ashleen na natutulog. Baka maabala ko sya sa tawa ko. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay. Tanging ang fireplace lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng bahay. Nagulat ako nang makita na nasa sala pala si Ashton. Hawak nya ang kanyang cellphone at may naglalarong tipid na ngiti sa kanyang labi. Ngayon ko lang yata nakita ang ganong expression sa mukha nya. Lalo pa na ngayon ay nagbibigay ng soft glow sa mukha nya ang apoy sa fireplace.

Tatawagin ko sana sya pero biglang nag-vibrate ang phone ko.

From: Mr Creeper

Bakit gising ka pa?

Nakuha yata ng ilaw mula sa cellphone ko ang atensyon ni Ashton. Napatayo sya mula sa sofa nang makita ako na nakatayo di kalayuan sa kanya.

“K-Kayleen?!” parang kinakabahan na sambit nya sa pangalan ko.

Ngumiti ako sa kanya. “Nagulat ba kita?” Lumapit ako at umupo sa sofa na kinauupuan din nya. “Bakit gising ka pa?” Napatingin ako sa hawak nyang cellphone. “Ah. May kausap ka pa.”

“O-Oo.” Unti-unti syang umupo sa tabi ko. Para pa ngang di sya sure kung dapat ba syang umupo.

“I’m sorry, naabala pa yata kita.” Tumayo ako. “Balik nalang ulit ako sa loob.”

May mainit na kamay na humawak sa braso ko kaya di ko nagawang lumayo.

“No! Stay!”

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon