Chapter 55

15K 709 388
                                    



Zaparta's POV

Pagkatapos ng team building activities kahapon, nagbalak ang lahat na maligo sa dagat. Nagsisirampahan na naman sila suot ang mga swimsuit nilang nakakaagaw ng pansin. Nilingon ko sila Julia na may kinakatyawan. Napa-'woah' ako nung makita ko si Dite. Ngayon lang kasi sya sumama samin maligo sa dagat kaya nakakagulat na nandito sya at naka-two piece bikini sya na black pero may suot din syang jacket. Kitang kita na ang hubog ng katawan ni Dite.

Akala ko muscling itong si Dite, yung tipong tinapatan yung katawan ng isang manchong lalaki dahil sa laki ng braso nya pero hindi pala. Sakto lang din pala ang pagiging muscling ni Dite sa isang babae. Sa katunayan nga, ang sexy ni Dite. May abs din sya pero mas mahalata lang yung sa kanya kaysa sakin.

"Tinalo ka pa ng pamangkin mo." pang-aasar ni Marceline. Kasama ko sya dito sa ilalim ng puno.

"May pagka-girly pa rin naman kasi si Dite. Nagsusuot sya ng dress lamang ako hindi." sabi ko.

"Kahit na, mas boyish tignan si Dite sayo lamang lang sya ng ganda." sabi nya. Siniko ko sya sa pang-aasar nya sa huli. "Iniisip ko kung sino-sino nagkakagusto sa kanya. Tila wala akong nababalitaan na may nagkakagusto sa kanya bukod kay Titania." sabi nya na nagpa-isip din sakin. Wala rin akong nababalitaan na may naghahabol sa kanya.

"Baka kasi alam nila kung paano magalit ang isang Dite." sabi ko.

"Kahit na, anak sya ng isang Zoe Reyes. Ang chick magnet." sabi nya na ikinatawa ko. 

Sa lahat ng basketball fans ng pilipinas, alam nila na ang isang Zoe Reyes ay isang chick magnet dahil one time, nagsama-sama lahat ng ex ni Ate sa isang show ng CSports. Parating kasi yung birthday ni Ate non at sikat na sikat na talaga sya non kaya naisipan ng isang show noon na imbitahan lahat ng mga ex at nagkagusto kay Ate. Walang idea si Ate non dahil ang alam nya lang yung love story nila ni Ate Alexa pero hindi, love story ng buong buhay nya. Maraming nagulat sa daming nagkagusto kay Ate noon at nung sinabi ng mga ex ni Ate na isa syang chick magnet ay binansagan na syang ganon sa tanan ng buhay nya kaya kapag sinabing chick magnet, isa lang pumapasok sa isang basketball fan, Zoe Reyes.

"Si Aero habulin ng babae. Ewan ko lang talaga kay Dite." nakakapagtataka din pala kung may naghahabol ba kay Dite. Maganda si Dite, manang mana kay Ate Alexa kaya nga sya pinangalanan na Aphrodite.

"Pero may kakilala ako sa pamilyang Reyes na habulin ng babae pero hindi naman kagandahan." tumingin ako kay Marceline ng masama. Natatawa na sya sa pang-aasar sakin. "Iniisip ko tuloy kung sa tatay mo ikaw nagmana kasi ang ganda kaya ni Tita Alicia!"

"Bulag ka ba? magkamukha kami ni Mama." sabi ko.

"Huh? kailan pa?" patuloy na pang-asar nya. Inirapan ko sya. Magkamukhang magkamukha kaya kami ni Mama Alicia kaya nga agad kami napansin na mag-ina.

"Shut up. Wala naman ibang nagkakagusto sakin." sabi ko.

"Anong wala? Kriza, Kanao, Dru at Lesley!" sabi nya.

"Anong Lesley? si Kriza ang gusto non." sabi ko.

"Akala mo lang 'yon." bulong nya lang pero rinig ko naman. Halatang pinarinig sakin. "Tara, kuha tayo ng drinks. Nauhaw ako bigla, ang hot kasi ni Bonnie ko." sabi nya habang nakatingin sa isang direction. Sinundan ko naman sya ng tingin. Nakita ko si Blythe na naka-two piece bikini na red habang kausap sila Faith.

"Kamusta naman kayo ni Blythe?" tanong ko habang pabalik kami sa resort. Wala din naman kaming dalang pera kaya hindi kami makabili sa labas.

"Sobrang saya!" masayang sabi nya. Halata nga. "Sobrang saya nya lang asarin."

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now