Tigang 5

70 3 0
                                    

Dear Diary,

Kanina sa grocery store ni Tyong at Tyang Pipita, nakita ko si Adonis na naggogrocery. Napakagat labi ako Diary, nakasando na naman sya na kita na ang monay sa laki ng butas ng manggas ng sando nya. Yun bang tshirt na ginupit nya ng pagkalaki-laki ang manggas kaya luwa na ang side torso nya. 

Palagay ko nagpapa-addict talaga yang si Adonis sa akin kaya palaging nagsasando ng mahalay. Akalain mong pati t-shirt na nananahimik gugupitin pa nya ang manggas para lang ipakita sa akin ang kalakihan ng katawan nya.

Sa sobrang yummy nya Diary tumibok na naman ang kipay ko. Parang naeexcite na mahawakan man lang ni Adonis my loves. At sa sobrang excited ko nga Diary, nagdecide ako na magpapansin sa kanya.

Bahala na si Batman sabi ko sa sarili ko. Kesa naman magpaka Maria Clara ako, Diary di ba? Aba trenta anyos na ako at malapit ng matuyuan magpapaka Maria Clara pa ba si ako. Kaya kailangan kong gumawa ng the moves noh!

So yun nga, nagulat si Adonis dahil bigla akong sumulpot sa aisle kung saan sya naghahanap ng condom saka petroleum jelly. Ewan kung saan nya gagamitin yun. Pero alam mo ba Diary nasaktan ako dahil hindi nya ako pinansin. Tiningnan lang nya ako ng masama na parang may ginawa akong kasalanan sa kanya. Ni hindi man lang sya nag hi o hello sa akin. Feel na feel ko pa naman na kausapin sya.

Hindi umobra Diary yung suot kong blusa na labas ang cleavage sa kanya. Sinadya ko pa namang ilabas yun para mapansin nya, yun pala deadmatologist lang sa mokong na yun.

Kaya naisip kong bumalik agad sa office ko para magsuot ng blazer. Tapos paglabas ko sa office ko hinanap agad ng mga mata ko kung nasaang aisle na si Adonis my loves. Nakita ko na nasa aisle pala sya ng saging. Nanlaki ang mga mata ko Diary. Hawak hawak nya yung isang saging na mahaba at mataba. Napakagat labi tuloy ako at napatingin sa pundiyo ng pantalon nya. Naimagine ko na ganon siguro kalaki ang kanya. Biro lang, halata naman na mas malaki ang kanya sa saging na yon kahit hindi ko imaginen.

Kahit suplado sya at parang wala sa mood kanina pa, syempre nagpacute pa rin ako sa kanya. Gusto ko kasing sumaya sya at ngumiti kapag nakita nyang nagpapacute ako. Noong magkasintahan pa kami gustong-gusto nya yung ganoon na palaging pangingitiin sya. 

Pinakusap-kusap ko ang mga mata ko sabay hinati ko ang buhok ko at isinampay ko sa magkabilang balikat ko. Tapos nagpout din ako ng lips para mapansin nya ang mapupula kong labi. Tapos nun makailang ulit ko ding isiningit ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko para mas effective ang pagpapa-cute ko sa kanya.

Pero ang gago dineadma lang naman ako. Binitawan ba naman bigla ang saging at agad tumalikod sa akin sabay lakad palayo. Nahiya ako sa ginawa nyang yun ha. Sinaktan nya ang ego ko. Sa ganda kong ito dedeadmahin lang nya ako, the fudge!

Pero hindi ko sya tinantanan, sumunod ako sa aisle kung nasaan sya. Tapos ginalingan ko na sa pagpapapansin. Nagkunwari akong natapilok. Alam ko kasing sasaluhin nya ako, kasi gentleman talaga si Adonis ko na yun.

Nagtapi-tapilukan ako Diary. Nahawakan ko ang matipuno nyang braso. Ang tigas ng muscle nya grabe. Tumibok agad ang kipay ko! Ang puso ko tumatalon-talon sa sobrang ligaya. Braso pa lang ang nahawakan ko ha, paano na kung higit pa sa braso nya ang mahawakan ko. Malamang suko agad ang bataan nito. 

Pero akala ko sasaluhin nya ako, Diary.

Nagkamali ako, iniiwas nya bigla ang katawan nya nung pabagsak na ako sa sahig. Ang sakit sakit ng balakang ko. Ang sama ng bagsak ko talaga, yung pagpepretend ko na matapilok nagka-totoo. Kinarma agad ako, punyemas talaga!

Ang mas masakit pa Diary, yung pakiramdam na nahulog ka tapos hindi ka pala kayang saluhin ng taong mahal mo. Sapul sa shaket besh! Umasa ako tapos mabibigo lang pala. Daig ko pa ang sinaksak sa puso, tulo ang dugo.

Tapos biglang dumating ang Bruhildang hipon. Nag-init agad ang tainga ko pagkakita ko sa pagmumukha nya. Biruin mo ba naman sa harap ko pa hinalikan sa labi si Adonis ko. Mga taksil talaga!

Hindi man lang ako itinayo ng gagong si Adonis, tapos ininsulto pa ako ni Hildang hipon. Ganito ang sabi nya.

"Ano ba yan Candida, sa sobrang taba mo hindi ka na makayanan ng sahig. Palibhasa tigang ka na at napakabigat kaya dito ka pa naglupasay sa sahig kung nasaan ang baby ko. As if naman papatulan ka at sasaluhin ng baby Adonis ko. Look at yourself, mataba na matandang dalaga na tigang! Kaya wag ka ng umasa pa na babalikan ka nya, dahil akin lang ang puso nya, tabi nga dyan!" Pang-iinsulto ni Hilda sa akin. Tapos nilakdawan lang nya ako para makatawid papunta sa next aisle.

May kasama pa yung irap at tawa Diary ha. Napakasama talaga ng ugali ng Hilda bruhilda na yun. Hindi talaga sya marunong gumalang sa nakakaganda sa kanya. Bwisit sya, mukha naman syang nilasing na hipon. Ang kintab kintab pa ng mukha nya dahil sa kalalagay ng kung anong pamahid sa pagmumukha nya. Petrolium jelly ata ang nilalagay nya sa mukha nya kaya sobrang kintab.

Si Adonis naman sa halip na sawayin si Hilda e nakitawa rin ang gago, tapos nilakdawan lang din nya ako. Anong tingin nila sa akin, patay na nasa kabaong tapos hahakbangan nila para hindi sila dalawin ng multo ko! 

Grabe ang awa ko sa sarili ko kanina Diary. Niyurakan nila ang kagandahan ko. Makikita ng Adonis na yan, hinding-hindi na ako magpapapansin sa kanya. Feeling naman nya napakagwapo nya.

Ang sama-sama nila! Ang sakit ng puso ko ngayon Diary. Icomfort mo naman ako o. Wala na ngang nagmamahal sa akin. Nararamdaman ko pa ang ganito. Hay simula talaga bukas ibabaling ko na sa iba ang pagtingin ko kay Adonis.

Wag nya sabihing sya lang ang gwapo at macho dito sa lugar namin. Madami pa kayang mas gwapo kesa sa kanya. Pinapangako ko na hindi na ako magpapapansin talaga sa kanya, gago sya! Magsama sila ng nilasing na hipon nyang syota!

Sige na Diary, matutulog na ako. Wala ako sa mood ngayon magkwento. Ang sakit-sakit kasi ng puso ko kaya ayaw kong magsalita at magkwento sayo. Gusto ko lang makalimutan na si Adonis. Sana lang hindi sya ang mapanaginipan ko mamaya.

Tigang— sa pagmamahal,

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon