Tigang 9

52 3 0
                                    

Dear Diary,

Ilang araw na hindi lumabas ng kwarto si Tyong Pipito di ba? Pero today, he finally go out with a huge smile pa noong kumakain kami sa may kusina. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Ganon din si Tyang Pipita at Tyong Kanor.

"Tyong Pipito, what's that huge smile?" Nangingiti kong tanong kay Tyong.

"Because, I'm inlove!" Mabilis na sagot ni Tyong na namumutawi pa ang ngiti sa labi ng tigang.

Tang inames, si Tyong nakahanap agad ng lovelife sa pornhabhab. Putragis paano nangyari yun sabi ko sa isip ko. Samantalang ako wala ni isang matinong lalaki na nahanap doon, puro sila malilibog at manyakis.

"Why the universe is so unfair!" Bulong ko sa isip ko Diary. Naghihinagpis talaga ang puso ko at umaapaw sa inggit kay Tyong. Lalo na kay Tyang Pipita na wala ng ginawa kundi landiin si Mang Kanor kahit sa harapan ko.

Dahil sa inggit ko, siniguro ko kay Tyong Pipito kung totoo ba ang sinasabi nito o baka gawa-gawa lang nya yun. Pero positibo talaga sya na inlove sya at mamaya daw ay magkikita na sila. Darating daw yung babaeng nagpatibok sa puso nya.

"Tyong sa pornhabhab nyo po ba nakilala ang babaeng nagpatibok sa puso nyo?" Tanong ko kay Tyong Pipito.

"Of course not!" Maarteng sagot ni Tyong na may kasama pang irap ng mata sa akin. Putik ngayon ko lang nakita ang Tyong na ganoon kaarte ha, paenglish english pa. Iba talaga pag inlove napapa-english.

Hindi naman sa pagmamaliit sa wikang english Diary. Pero kahit nag-aral ako sa Estados Unidos ay hinding-hindi ako nakipag-usap ng english kanino man noong bumalik na ako sa Pilipinas. Alam mo kung bakit?

Kasi ayoko na mauubusan ng dugo ang mga taga Lupaypay. Baka makulong ako kapag nag-kangmamatay sila dahil naubos ang dugo nila kakakausap sa akin ng English. Kaya promise pag nasa Estados Unidos lang ako saka ako nagsasalita ng english. Pero pag nasa Pilipinas ako, tagalog lang ako. Yun naman ang nararapat? Di ba sabi nga ni Gat Jose Rizal "Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda."

Aba tigang na nga ako sa-pagmamahal tapos magiging amoy isda pa ako. Kumusta naman ang mangyayari sa kipay ko? Baka wala na talagang humawak man lang kung mag-aamoy isda pa, tuyot na nga ako mabaho pa, ang saklap nun besh.

"Ay, Tyong sino po ba ang nagpatibok sa puso nyo?" Tanong ko kay Tyong Pipito dahil hindi talaga matawaran ang ngiti nya kahit na kumakain na.

"She is my ultimate crush way back in high school. I think we are meant to be, I'm so excited to see her again." Sagot ni Tyong na nakatulala at nakangiti. Para syang tanga na nakatingin sa kawalan habang nagsasalita. Nagkakatawanan na lang kami kanina nina Tyang Pipita at Tyong Kanor.

Putcha paenglish english pa talaga, kainis!

"Sino nga po yun Tyong?" May inis na tanong ko ulit dahil naiinggit ako sa kanya.

"Pukendesa Bulaklak. Ang babaeng nagkalat ng chismis noon na supocholo daw ako." Nakatulalang sagot ni Tyong pero nakangiti pa rin.

"Ano, si Pukendesa Bulaklak, yung pocahontas! Oh no!" Sabay at gulat naming wika ni Tyang Pipita.

"Yes, why so shocked girls?"

"E di ba pocahontas po sya Tyong?" Sabi ko.

"She is not anymore, sabi nya nagretiro na daw sya as pokpokers. She is still single anyway. Kaya kami talaga ang meant to be." May pagyayabang na sagot ni Tyong ko.

"Paano nyo po ba naka-contact ulit si pocahontas, I mean si Pukendesa Bulaklak?"

"She just texted me last night, saying how are you? I replied, I'm good and lonely. Sabi nya she is lonely too kaya bagay daw kami. Nasa bayan daw sya ng Lupaypay ngayon kaya pupuntahan daw nya ako tonight. Aalisin daw nya ang kalungkutan naming dalawa." Kwento ni Tyong Pipito na halata ang excitement at tamis sa ngiti.

Tang inames madidiligian na ata ang tuyot na mushroom ni Tyong Pipito, Diary. Naiingit na naman ako.

It's so unfair talaga! Kailangan ko pa ata talaga maabot ang edad ng kambal na 60 years old bago ako madiligan. What if mangyari sa akin ang kapalaran nila. OMG, hindi ko kaya itets!

I want to get dirty now na, Diary! Ikaw na lang kasi ang gumahasa sa akin. Di ba lalaki ka naman. Kaya ikaw na lang ang dumilig sa aking puso na tigang na sa pagmamahal parang awa mo na!

Hay wala ka talagang kwentang kausap Diary, nagmamakaawa na ako sayo hindi mo pa rin ako kinikibo.

Yun na nga, dumating si Pukendesa kanina sa bahay namin. Dito sya nagdinner kasabay namin. Walastik, ang ganda pala ni Pukendesa, Diary. Ang kinis kinis nya at ang puti puti. Para syang si Gloria Romero na medyo bata na version. Sabi nya hindi daw real ang chismis na isa syang pocahontas.

Ang totoo daw may gusto talaga sya kay Tyong noon pa man kaso daw napakasuplado ni Tyong kaya nagpaligaw daw sya sa kung sino-sino. Pero ang totoo daw ang puso nya ay para lang kay Tyong. Nagpapadilig daw sya sa iba pero ang puso daw nya ay loyal kay Tyong.

Nasaktan daw sya noong tumanggi si Tyong na madiligan nya. Kaya sinabi nya kay Aling Barang na supocholo si Tyong. Pero ngayon daw babawi sya kay Tyong. Papatuyan daw nya na hindi supocholo si Tyong.

Dyan ka na nga Diary matutulog na ako. Mabuti na lang nasa tabi ng kwarto ni Tyang Pipita ang kwarto ni Tyong Pipito. Atleast makakatulog ako ng maayos, alam ko kasing may saksakan na namang magaganap pero hindi yun madugo sigurado dahil hindi na naman virgin si Pukendesa. Ewan ko lang kung nadugo din ang sa lalaki. Sa palagay mo? Ewan, basta birhen pa si Tyong, aabanagan ko na lang ang lakad nya bukas ng umaga.

PS. Alas sais pa lang ng gabi nasa kwarto na si Tyong Pipito at Aling Pukendesa. Nadidinig ko kanina pagdaan ko sa room nila na naghahagikgikan sila. Sabi ni Tyong nakikiliti daw sya. Wag daw syang dilaan sa tyan nya. Tang inames nang-iinggit talaga ang mga matatandang ito! Kung kailan mga tumanda saka mga nadiligan at lumibog.

Tigang— sa pagmamahal

Candida Si.

Diary ng tigang-sa pagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon