CHAPTER 40: Pain and Tears

24.6K 346 5
                                    

CHAPTER 40: Pain and Tears

 

TJ’s P.O.V

 

 

Isang marahas na paghila mula sa likod ko ang naramdaman ko, at agad akong nakaramdam ng malakas na suntok na naging dahilan ng pagkatumba ko sa lupa.

“MATTHEW ANO BA!!!!” – sigaw ni Alex at saka lumapit sakin.

“O-okay ka lang ba?” – tanong niya sakin na nakahawak sa balikat ko.

“Okay lang ako.” – sagot ko.

Tumayo si Alexis para harapin si Matthew na ngayon ay masama ang tingin sakin.

“Tarantado ka!! Diba sabi ko sayo itawag mo sakin agad kapag nakita mo siya?!! Ano ‘to?!!” – sigaw ni Matthew.

“Matthew it’s not what—“ – sasagot na sana ako ng biglang sumigaw si Alex.

“Diba eto naman ang gusto mo?!!! O ayan! Nakita mo na! Hindi mo na ako kailangan pasundan pa kung kani-kanino para lang malaman kung sinong kasama ko! Ngayon malinaw na sayo lahat! Totoo lahat ng binibintang mo sakin sa pictures!!” – sigaw ni Alex na halos pumiyok pa dahil sa pinipigilang hikbi.

“Alexis no.. Hindi mo ko naiintindihan..” – bulong ni Matthew.

“Talagang hindi kita maiintindihan! Dahil kahit kailan hindi mo pinaintindi sakin!” – sigaw ni Alex, tuluyan na siyang umiyak.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakanila. Ang alam ko, nasasaktan siya.. Nasasaktan si Alex..

Lumapit si Matthew kay Alex at hinawakan ito sa dalawang kamay.

“Alexis, hindi.. Hindi mo naman magagawa ‘to diba? Yung pictures na nakita mo, wala lang yon. Promise.” – ngayon umiiyak na rin pati ang pinsan ko.

“Layuan mo ko.” – bulong ni Alexis.

“Alex..” – Matthew.

Tumalikod si Alex saka naglakad. Naiwan kami ni Matthew, gusto ko siyang tanungin kung anong nangyayari pero hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan. Hinalikan ako ni Alexis para makita ng pinsan ko?

Maya maya lang narinig ko siyang sumigaw.

“Tj! Let’s go!” – sigaw niya.

Tinap ko sa balikat si Matthew saka ako sumunod kay Alex.

------      

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon