27. Break

4.4K 244 63
                                    

...BUT there was someone else too.

Parang sinasaksak ang puso ni Brie nang mga oras na iyon. Hinayaan niyang bumagsak sa sahig ang dala niyang takeout.

Bakit? Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin?

Napatingin siya sa pumpon ng rosas sa kanyang kamay. Ilang patak ng luha ang bumagsak doon. "Ang daya-daya mo, Lagring... Hindi mo man lang sinabi sa'kin..."

Sobrang pait. Napakasakit. Iyon ang nararamdaman niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya... Kaya ayaw niyang umibig sa straight. Alam niyang masasaktan lang siya.

"...may boyfriend ka na pala. Ang daya-daya mo, Lagring." Napahikbi na siya. Naidikit ang likod ng palad sa mga mata. Hindi naman siya makikita ng mga ito dahil patay pa ang ilaw sa apartment niya.

Sa nanlalabong paningin ay muli siyang sumulyap sa salaming bintana. Mula roon ay matatanaw ang salas ng kabilang bahay. Nandoon si Lorraine na nakaupo sa sofa. May isang lalaking nakaakbay dito. Magkasalikop pa ang mga palad ng dalawa habang nanonood ng telebisyon.

Ang higit na nagdudulot ng hapdi kay Brielle ay ang tila kontentong mukha ni Lorraine habang nakasandig ang ulo sa balikat ng lalaking iyon.

Bakit. Bakit. Sinabi ko na sa'yo, Brie... Huwag na huwag kang mai-inlove sa straight. You have a rule! But you break it, and now it breaks you.

Sa sobrang galit sa sarili ay naibato ni Brielle ang pumpon ng rosas sa bintana. "Ah!"

Nagtalsikan ang mga petals ng bulaklak. Pakiramdam ni Brie ay ang mismong mga piraso iyon ng puso niyang nawasak.

Napasuntok-suntok siya sa dibdib sa sobrang sakit. Hindi na rin niya kinaya ang nakikita kaya't mabilis na siyang humakbang papasok ng kuwarto. Habang papunta roon ay tinanggal niya ang sling bag na nasa balikat pa rin at galit iyong inihagis kung saan. Pabalibag niyang isinara ang pinto ng kuwarto at nagkulong sa loob.

Isang araw. Dalawang araw. Tatlo.

Iyon na ang bilang ng araw na nasa loob lang ng bahay si Brie. Nakapinid lahat ng pinto, maging ang lahat ng bintana. Maraming nagkalat na boxes ng kung anu-anong pagkain, mga bote ng alak at kung anu-ano pa.

Wala nang pakialam si Brie... kahit ilang araw na siyang AWOL sa trabaho, kahit amoy imburnal na ang hininga at katawan niya, kahit nagmistula nang dumpsite ang bahay niya, at kahit bumabaha na ng voicemails ang telepono niya. Pati ang cellphone niya ay nalobat na lang sa katatawag at kate-text ng kung sinu-sino.

Nandoon siya sa kama. Lango sa alak. Nakalaylay ang ulo, pati na ang kamay na may hawak pang Redhorse.

Sa umiikot niyang diwa ay nakarinig pa siya ng mahinang katok sa front door. Siguro ay hindi na niya nai-lock ang gate, hindi na niya maalala. Hindi na rin niya inintindi iyon. Tuluyan na siyang natalo ng kalasingan at pumikit na ang mga mata. Kasabay noon ay ang pagbagsak ng Pulang Kabayo mula sa kamay niya. Natapon ang natitirang laman niyon sa marmol na sahig.

Few hours later...

Sunod-sunod at walang tigil na katok, iyon ang nagpabalik nang lumulutang niyang diwa mula sa kawalan.

Nang imulat niya ang mga mata ay parang umiikot ang kisame sa paningin niya. Sumigid ang kirot sa kanyang ulo at pumikit siyang muli. Isang tila nagdedeliryong ungol ang lumabas sa kanyang lalamunan.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon