01 | Started Off Ruthless

4.9K 98 43
                                    


Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong gusali matapos magpakawala ng tatlong sunud-sunod na hampas ang lalaking may hawak ng malapad at mahabang kahoy sa binti ng biktimang lalaki. Sunud-sunod na malalakas na mga hampas na halos dumurog sa buto ng nakabulagta nang estudyante na walang ibang ginagawa kung hindi umiyak at humiyaw sa sakit.

Subalit sa kabila ng malakas na pag-hiyaw ng biktima ay walang sinuman ang dumating para tulungan ito. Dahil ang kinaroroonan nila ay isang abandonadong ospital sa isang liblib na lugar na pinaliligiran ng mayayabong na mga damo at kakahuyan— malayo sa karamihan.

The abandoned hospital was last occupied during the '80s. Nalugi ang may-ari at basta na lang iniwan ang gusali upang lumipad patungong Europa— leaving hundreds of patients and staff. Isa-isang nagsi-alisan ang mga doktor, nurses, at pasyente, hanggang sa tuluyan nang maabandona ang ospital.

During the '90s, due to the tormented screams that could be heard from within the abandoned hospital, people would spread rumors that it was haunted.

People passing through the area would think that the screams were coming from the souls of the unfortunate patients who died in the hospital. Little did they know that those screams were actually coming from living people, being tortured by a certain group of thugs.

Yes. The abandoned hospital was later used as a hideout of the ruthless gang called The Titans.

Doon sa gusaling iyon isinasagawa ang pagto-torture sa mga biktima o targets ng grupo. May mga taong napapadaan sa lugar na iyon na naligaw at nagkamali ng liko, at karamihan sa mga iyon ay nakaririnig ng mga sigaw na may paghingi ng saklolo mula sa loob. Knowing that the hospital was long abandoned, people would run away and never dared to come back.

Ang tsismis tungkol sa nagmumultong mga pasyente sa abandonadong ospital ay kumalat sa buong bayan— dahilan upang wala nang nagtangkang magtungo pa roon— which was convenient for the gang.

*

*

Muli, ay isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong unang palapag nang muling hampasin ng lalaking may mahabang buhok at malaking pangangatawan ang binti ng lalaking estudyante, dahilan upang ito'y masuka nang may kasamang dugo.

He was barely conscious. Halos isang oras na itong salitang binubugbog ng apat na kalalakihan subalit nagagawa pa rin nitong gumapang sa sahig. His beaten eyes were half-closed, his lips were swollen and his nose was broken. Siguradong sa susunod na mga araw ay hindi ito makikilala dahil determinado ang mga lalaking bumubugbog dito na mababasag ang mukha nito.

"Tama na... Tama na!" umiiyak na pagmamakaawa ni Paulo; ang lalaking kanina pa binubugbog ng grupo. Dalawamput-isang taong gulang at nasa huling taon sa kolehiyo. Nag-aaral ito sa pinaka-popular na unibersidad sa lungsod ng Yllanas, at galing sa pamilya ng mga negosyante.

Ang lalaking siyang may hawak ng pang-hampas na kahoy ay tuwid na tumayo at ngumisi. Ipinatong nito ang kahoy sa kanang balikat at dahan-dahang naglakad paikot sa nakabulagtang si Paulo.

"Alam mong mangyayari sa'yo ito kapag hindi mo ibinigay ang halaga ng perang hinihingi namin. Pero para kasing hindi ka takot, kaya gusto lang namin na turuan ka ng leksyon para maintindihan mo..." Sandali itong yumuko at inilapit ang mukha sa bugbog-saradong mukha ni Paulo, "...na masama kaming magalit."

Muling umiyak ang binata. Ang suot na puting uniporme ay marumi na dahil sa dugong umagos mula sa ilong nito at mula sa maalikabok na sahig.

"May... sakit ang Mama ko at nasa ospital. K—Kailangan din namin ng pera at—"

SHATTERPROOFWhere stories live. Discover now