CHAPTER 16

1.3M 34.5K 54.1K
                                    

AUTHOR'S NOTE: PLEASE CLICK ON THE EXTERNAL LINK TO ORDER MOON SELF-PUBLISHED BOOK OR JUST GO TO: www.facebook.com/hesintoher (UNTIL MARCH 16 ONLY). Thanks! d--,bv

"HINDI NA kita natawagan, Mang Pitong," nakangiting ani Maxwell nang makabalik kami. "'Buti nandito na kayo. Kanina niyo pa kami hinihintay?"

"Hindi naman. Inabangan ko na kayo dahil may bisita kayong naghihintay sa hotel." Ngumiti si Mang Pitong sa akin matapos isagot 'yon.

"Bisita?" nagtatakang ani Maxwell. "At this hour? Tsh. Sino?"

"Naku, ang habili'y huwag kong sasabihin. Ihatid ko na lamang daw kayo roon at nang harapin mo sila."

"Sila?" Wala pa man ay tila nauubos na ang pasensya ni Maxwell.

"Baka si Montrell Venturi na naman at mga tauhan niya,"pabulong kong singit.

"You think so?" kunot-noong tugon ni Maxwell. "I'm running out of patience with that guy. What does he want this time?" asik niya saka ako inalalayang maglakad sa buhangin.

Gusto kong mag-alala pero nadi-distract ako sa gestures ni Maxwell. Itinuturo niya 'yong mga lalakaran ko na para bang ganoon kadelikado iyon. Maging sa pag-alalay sa akin pasakay sa kaniyang sasakyan ay awtomatikong kumikilos ang mga kamay niya. Hanggang sa pagsusuot ng seatbelt ay siya ang gumawa. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang mainis habang nagpapaka-gentleman sa akin. Siguro nga ay natural na sa kaniya 'yon, at gusto kong magselos nang maisip kong posibleng hindi lang sa akin siya ganoon.

"Where is that Venturi?" tanong ni Maxwell kay Mang Pitong, hindi pa man kami nakakababa ng kotse niya, animong may susugurin, kunot na kunot ang noo.

Sa halip naman na sumagot ay kakamot-kamot sa ulo, pilit ang ngiti kaming iginiya papasok sa hotel ni Mang Pitong. Natigil si Maxwell nang tuluyang makita kung sino ang mga bisitang naghihintay sa kaniya sa lobby ng hotel na pag-aari ng kanilang pamilya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mamataan kung sino-sino ang mga iyon.

"Oh, my gosh!" palahaw ko. "Guys!"

Patakbo akong lumapit at hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan at babatiin. Kompleto ang pamilyang Moon at Enrile. Sa Echavez ay naroon si Randall at ang kaniyang kapatid, syempre, si Dein Leigh at kanilang anak. Naroon din sina Zarnaih at asawang si Lee, maging ang pamangkin kong si Zaydie. Maging sina Michiko at Tob ay nandito rin. Nakompleto ang lahat dahil naroon din sina Migz at BJ.

"Oh, my gosh! I miss you all so much!" nilapitan at niyakap ko silang isa-isa sa sobrang tuwa at saya.

"Ano ba naman, ate!" naaalibadbarang angil ni Zarnaih nang basta ko na lang siya yakapin. "Hindi ikaw ang ipinunta namin dito, 'no! Tabi nga!"

"Excuse me! Hindi rin naman ikaw ang dahilan ng excitement ko, kung hindi itong pamangkin ko!" agad kong tinunghayan ang pamangkin kong noon ay karga ni Lee. "Zaydie, my princess! Kuhang-kuha mo na ang perpektong mukha ni tita! Hindi ako ang nanganak pero sa akin ka nagmana!"

"Natutulog, ate! Respeto naman sa bata," muling angil ni Zarnaih.

"Psh! Alis nga diyan," pinatabi ko siya saka ako lumapit sa mga Moon. Niyakap ko isa-isa sina Tita Maze, Tito More at Mokz. Kasunod ay ang pamilya ni Randall, at mga kaibigan nina Zarnaih. Ngunit agad akong natigilan, humupang bigla ang tuwa ko at galak, nang magkatinginan kami ni Deib Lohr. Siya na kasi dapat ang susunod kong yayakapin.

Tinitigan ako ni Deib Lohr na para bang inihahanda ang sariling umilag oras na lumapit ako. Iyong titig na para bang nagbabanta nang huwag kong ituloy ang anumang plano ko. Nanghuhusga.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon