Chapter 312

494K 19.6K 16.4K
                                    

A/N: tumataas ang bilang ng Confirm Cases of Covid-19. Please, keep safe Tropa and cooperate with the government. They're trying their best to control the situation. Wag na tayong magpasaway.

Don't forget to sanitized before and after touching anything. Vitamins for strong immune system. Yan talaga ang #1 na panlaban natin. Keep safe!

No re-reading. Expect the typos and wrong grammar. Thank you!




Sunday prayer

Jay-jay's POV

"...ilang buwan na nga?" Tanong ko sa kausap ko.

["7 months. Please Jay, pumayag ka na. Hindi pa naman ngayon, baka next week pa."]

Napangiwi ako. Gusto ko tumanggi kayalang nakakahiya naman. At isa pa, wala naman yatang ibang kaibigan tong si Grace. Dahil nga syempre, nabuntis ng maaga tapos idagdag pang maldita siya.

"Bakit ba hindi ikaw ang sumama?"

["Nagsasawa na daw siyang kasama ako. Mainipin daw kasi ako."]

"Ewan ko sayo. Oo na. Sabihin mo nalang kung kailan para makapag-paalam agad ako."

["Salamat Jay! Matutuwa si Grace niyan."]

Nagpaalam siya sakin bago tuluyang patayin ang tawag. Napabuntong hininga naman ako.

7 months na pala siyang buntis parang halos kailan lang ng malaman namin na buntis siya. Ibig sabihin, may ilang buwan na pala ang tyan nung mga panahon na yon.

Tapos nag-aaway pa sila.

Sabi niya kahapon, sensitive daw ang pagbubuntis niya. Halos hindi na nga raw siya makakilos ng maayos dahil lagi siyang nakahiga o nakaupo para magpahinga. Kailan lang siya pinayagan ng doctor na lumabas ng bahay.

And guess what?

Nag-paalam silang gagamitin nila ang pangalan ko na 'Jay' para sa Baby nila. Kung babae yon, magiging magkasing-ganda kami. Kapag lalaki—jusko! Wag sana siyang maging Ulupong. Ang laking sakit sa ulo niya pagnag-kataon.

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang pagkatok kasunod ng pagbukas non. Bumungad sakin si Kuya Angelo na bihis na bihis na.

"Ready?" Tanong niya.

Tumango naman ako sa kaniya bago ilagay ang cellphone ko sa bulsa. Nauna na siyang naglakad paalis at sumunod naman ako. Pagdating sa sala, kumpleto na lahat. Mula kay Tita Gema, Tito Julz, Aries, Kuya Angelo at ako.

"Kakain ba tayo pagkatapos magsimba?" Tanong ko at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tito Julz at Tita Gema.

"Wala pa pero pagkain na ang hinahanap mo." Sabi ni Aries sabay hatak sa braso ko.

Hanggang sa makalabas kami at makasakay sa puting van hawak pa rin niya ang braso ko. Niligin ko ang paningin ko sa loob. Baka may kasama pala kaming nangunguha ng laman loob dito hindi ko alam.

Si Aries mukang laman loob.

Sumakay na rin sila Tita Gema na nasa tabi ng driver. Si Tito Julz na driver at si Kuya na naupo sa tabi ko. Ang weird sa pakiramdam. Parang ganito din kasi yon nung New Years eve na bigla nalang nila in-anounce ang engagement na yon.

Bigla tuloy akong kinabahan. Wala naman sigurong kaganapan ngayon.

Nagkasunod kong tinignan si Kuya Angelo at si Aries. Para kasi silang pulis na nagbabantay sa kriminal na gustong tumakas.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon