Three days ago.
Ilang minuto na ring nakatitig si Sketch sa harap ng study table niya habang hawak at pinaglalaruan ng mga daliri niya ang isang drawing pencil. Mayroon kasi silang project kung saan required silang bumuo ng 3D model ng isang importanteng structural landmark mula sa kahit saang bansa.
Pinili niyang gumawa ng miniature model ng Sydney Opera House ng Australia, pero hindi niya alam kung paano magsisimula. Preoccupied kasi siya noong nakaraan dahil maliban sa dami ng mga gawain sa regular classes nila, medyo pressured na rin siya dahil nag-manifest na ang mga abilidad nang halos lahat ng miyembro ng Paramount Class. Maliban doon ay ilang araw na ring sumasakit ang ulo niya. Balak niya ngang ipatingin ang mga mata niya sa clinic, dahil nag-aalala siya na baka kailangan niya na ng mas mataas na grado sa lenses ng salamin niya.
Dahil sobrang distracted siya noong mga sandaling iyon, ibinaba niya muna ang hawak na lapis. Huminga siya nang malalim, at tinitigan ang blangkong papel sa mesa niya. Nag-concentrate siya sa pag-iisip sa itsura ng Sydney Opera House, at pilit na tinantiya sa isipan niya kung paano niya iyon gagawin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakaramdam siya ng pagsakit ng ulo, at kasabay noon ang unti-unting paglitaw ng mga linya ibabaw ng papel na nakalatag sa mesa niya. The lines formed into an outline of the structural landmark he was concentrating on, before it gained its color, depth, and dimension. In just a few seconds, a small three-dimensional image of the Sydney Opera House finally appeared right in front of him. It was like magic, but all of it is a product of his imagination.
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mukha niya, bago sinubukang hawakan ang imaheng ginawa niya. Pero tumagos lamang ang kamay niya doon, kaya bahagya siyang natawa.
"Wow... So I can make holograms with my mind?" Sketch chuckled in delight, "Cool!"
Dahil sa nadiskubre niya noong gabing iyon, hindi niya tinigilan ang kakayahan at patuloy pa siyang nag-imagine ng mga bagay na pwede niyang buuin bilang isang three-dimensional image gamit ang isipan niya. He was thrilled at the manifestation of his abilities, so he really looked forward to it. At ngayon nangyari na ito, gusto niyang gamitin ito nang paulit-ulit para makita kung ano ang kaya niyang gawin at hanggang saan ang aabutin niya.
Nang mag-iisang oras na siya sa ginagawa, bigla siyang nakaramdam ng palpitation. He felt light-headed, and there is this odd feeling like his own skin is separating from his own flesh. It was not painful, but just really, really strange.
Maya-maya pa ay nanigas siya sa kinauupuan niya, at nakarinig siya ng mga pamilyar na tinig. He cannot comprehend what they were saying, but he knows who owns those voices.
Nanlamig si Sketch sa pwesto niya, at pilit siyang gumalaw. Iyon nga lang, pakiramdam niya ay sobrang bigat ng katawan niya, at para bang merong pumipigil sa kanya na tumayo at magsalita para makahingi ng tulong.
Pagkalipas ng ilang sandali ay tila unti-unting gumaan ang pakiramdam niya, na para bang nawala ang lahat ng bigat sa katawan at isipan niya. Sinubukan niyang tumayo, pero nanlalambot ang mga tuhod niya kaya bumagsak siya sa kama bago pa man siya makagalaw sa pwesto niya.
Napahinga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata habang pilit na nag-iipon ng lakas para muling makabangon.
Pero nang imulat niya ang mga mata, nagulat siya nang makita ang tatlong lalaki na kamukhang-kamukha niya sa paligid ng kama niya. They were all standing and hovering over him, watching him as he lied down on the bed.
Ang isa sa kanila ay napangisi at pinagmasdan ang sarili niya, bago kinurot-kurot ang pisngi at braso niya. "Seryoso ba 'to? Meron na akong katawan?"
Nagsalubong ang kilay ng isa pang kamukha ni Sketch na tila nag-aalangan pa sa nangyari sa kanila. "P-pero... Pero paano? Paano nangyari 'to?"
Napakibit-balikat ang ikatlo, at naupo sa kama habang pinagmamasdan si Sketch. "Sa tingin ko, naging dahilan ang pag-manifest ng ability ni Sketch para magkaroon tayo ng sariling katawan. After all, we are his alters. We all live inside his head, and everything that lives inside it... he can turn into something real."

YOU ARE READING
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...