Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 6: Facing Darkness

1M 33.6K 4.7K
                                    

Chapter 6: Facing Darkness

Pinagmasdan ko ang daggers sa aking kamay. Ito ang deal na sinabi niya. Kung masasaktan ko siya gamit ang dagger ay ako ang mananalo. Alam kong minamaliit niya ako. Kaya kong gumawa ng mas malaki pang damage kung gugustuhin ko at hindi ako magtitimpi.

Humakbang ako palapit sa kanya. Nakatayo lang siya sa gitna ng kwarto, nakahalukipkip at pinagmamasdan ako. Pero may kung ano sa tingin niya na wala sa deal. Pakiramdam ko, ginawa niya lang ito para pag-aralan ang magiging galaw ko. Pero may isang bagay siyang hindi alam sa akin. Kaya ko ring mabasa ang mga galaw niya.

I immediately picked up the moves of his feet, the slightest turn of his head, down to the tap of his fingers. Mabilis ko siyang pinag-aralan, at nang mabasa ko ang susunod niyang galaw, agad akong tumakbo paikot sa kanya at sunod-sunod na naghagis ng dagger. Mabilis siyang nakaiwas, an automatic reflex. Bumaba ang tingin ko sa mga paa niya.

I aimed several daggers toward the upper parts of his body upang doon matuon ang atensyon niya, saka ako nag-slide sa sahig upang sugatan ang kanyang paa. The parallel move caught him off guard lalo na nang dumampi ang dagger sa kanyang paa. Ngunit natigilan ako nang mapansin ang kakaibang bagay sa kanyang talampakan.

Agad akong lumayo. Isang matinding takot ang bumalot sa akin na dahilan upang halos kumaripas ako na tila napaso sa pagdampi kay Gin. Hinihingal na pinagmasdan ko si Gin. The room made out of steel and stone was now being swallowed by darkness. Ang mga obstacle course at weapons ay unti-unting naglalaho dahil sa itim na liwanag. At nanggagaling ito mula kay Gin. Mula sa kinatatayuan niya.

Naalala ko ang unang beses na narinig ko ang tungkol sa ability na ito. An illegal ability na isang tao sa isang henerasyon lang ang nagkakaroon. Lumapit ang itim na bagay sa kinatatayuan ko. Unti-unti akong umatras palayo.

Hindi na dapat ako pumayag sa deal na ito. Binigyan na niya ako ng pagkakataong umatras kanina. Hindi na dapat ako nagmatigas. Ako mismo ang humarap sa panganib na kanina pa ako pinagbabalaan.

Naramdaman ko ang pagnipis ng hangin sa kwarto. Ang pagkawala ng lahat ng bagay rito. Liwanag, hangin, mga bagay. Kinakain ito ng itim na bagay mula kay Gin. He could kill me without even moving.

Ngayon, alam ko na. Ito ang dahilan kung bakit maingat sila. Si Victoria at ang iba pa. Maging ang lahat ng estudyante sa paaralang ito. This guy is dangerous. Kaya niyang burahin ang lahat sa kastilyong ito kung gugustuhin niya! At nagsisisi ako na sa ganitong paraan ko iyon nalaman.

Napatingin ako sa kadilimang nasa aking harapan. Butas ba ito na maaari akong mahulog o simpleng kawalan na maaari akong mawala at hindi na kailanman makababalik pa? Would it suck the life out of me and leave me in ashes? Hindi ko alam.

How could I beat him?

"THE TWO OF YOU INSIDE THE TRAINING ROOM. STOP."

Sa isang iglap ay nawala ang itim na liwanag na halos sumakop sa buong kwarto. Isang hakbang na lang at ako na ang susunod na lalamunin nito. Mabilis itong umatras pabalik sa kinatatayuan ni Gin at doon ko napagtantong galing ito sa kanyang palad. Bumalik sa dati ang lahat na parang walang nangyari.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko napansin na kanina pa ako nagpigigil ng hininga. Napatingin ako sa bagay na pinanggalingan ng boses. Tumingala ako at nakita ang isang speaker system sa mataas na kisame.

"MISS SHERIDAN AND MR. GREY, DO NOT MOVE."

Narinig ko ang mahinang mura ni Gin mula sa pwesto nito. Biglang bumukas ang pintuan ng training room na kanina lang ay nilalamon din ng kadiliman. Pumasok ang isang grupo. Ang mga member ng grupo ni Gin, si Miss Aura, at lalaking ngayon ko lang nakita.

"Gin, what the hell was this?!" singhal ng lalaki. Siya na siguro ang tinutukoy ni Miss Aura na si Sir Apollo.

"Orienting her," sagot ni Gin sa walang interes na boses. Nawala na ang paghahamon at amusement dito.

"Orienting?!" Tahimik lang ang ibang member na nasa likod ng dalawang guro. "You almost killed her! You almost killed our only chance to qualify for the Linus Cup."

Nakakatakot siya. Para siyang lasing o may hangover. May hawak din siyang sigarilyo sa isang kamay, at meron pang nakasabit sa likod ng tainga niya.

"Tanga ba ako para gawin 'yon?" sagot ni Gin.

Naglakad siya papunta sa gilid. Doon ko napansin ang mga kamay niya. There was something strange in his hands. Tila may maliliit na sugat dito na naglalabas ng itim na dugo.

"Shut up, both of you," utos ni Miss Aura.

Wala na akong naiintindihan sa nangyayari. Pabalik-balik ang tingin ko sa mga nag-uusap.

"Gin, alam mong hindi basta-basta ang paggamit ng ability mo," kalmadong sabi ni Miss Aura.

"Alam ko," sagot ni Gin.

Binuksan ni Gin ang isang drawer. Naglabas siya ng bandages at alcohol. Noong una, akala ko ay gagamutin niya ang kanyang mga palad ngunit tumungo siya at nilislis ang kanyang pantalon. Doon ko nakita ang sugat. Sugat mula sa dagger na hawak ko kanina.

Pinuntahan ni Corrine si Gin. "Ako na," sabi nito na kinuha ang gamit mula kay Gin.

Tinulungan ni Corrine si Gin na linisan ang sugat niya. But Gin was staring at me intently. Hanggang sa tumayo siya at tuluyang umalis sa training room. Agad sumunod si Corrine sa kanya.

Nang maiwan kami sa training room, lumapit si Cain sa akin. "Seryoso? Nagawa mo 'yon?"

"Alin?" nagtatakang tanong ko.

"Ang saktan siya." Bumaling siya sa grupo. "Wala pang nakagagawa sa 'tin n'on, hindi ba? Ibig kong sabihin, sa unang subok, wala talagang nakalapit sa kanya," sabi ni Cain.

"Beginner's luck," ismid ni Victoria.

"Look at what that kid did to you," sabi ni Miss Aura. Doon ko napansin na puno ako ng galos. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha. Pakiramdam ko, epekto ito ng kapangyarihan ni Gin.

Nagsimulang kumuha ng gamot mula sa drawer si Miss Aura upang gamutin ako. "He's supposed to be the authority. Hindi siya ang sinasaway." Bumuntonghininga si Miss Aura. "Gin has his own way of running the group. Pero alam kong wala siyang balak na tuluyan kang saktan. Intindihin mo na lang siya. He's under a lot of pressure."

Tahimik lang ako habang nag-uusap ang grupo. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang maaaring nangyari bago sila dumating. Gin has a dangerous ability. Mas mapanganib pa kaysa sa inaasahan ko. Kailangan kong mag-ingat sa susunod.

"Sandali," sabi ni Miss Aura habang nakatitig sa mga sugat ko. "Malalalim ang mga sugat mo. Sigurado ka bang okay ka lang?"

Tiningnan ko ang mga braso ko na puno ng sugat. Ilang dipa ang layo ko kay Gin kanina pero nagawa pa rin ng kapangyarihan niyang magbigay ng ganitong epekto. Siguradong anumang may buhay ay maglalaho kapag nadaanan ng kapangyarihan niya.

"Hindi ako nakararamdam ng sakit," sagot ko. I have enhanced senses and control. Kaya kong makaramdam ng higit sa normal at kaya ko rin itong patigilin kung gugustuhin ko.

"I know," seryosong sabi ni Miss Aura. "But Shia, you may not feel the pain but it still exists. Maaapektuhan pa rin ang katawan mo sa mga sugat na hindi mo pinagtutuunan ng pansin. Sometimes, you also have to feel. Escaping isn't always the best thing."

Biglang may pumasok sa training room. Napalingon kaming lahat dito.

"Mabuti naman at dumating ka na," sabi ni Sir Apollo habang naninigarilyo sa isang sulok. "Kailangan ka rito."

Napansin ni Miss Aura ang pagtataka sa mukha ko. "Siya ang pang-anim at huling miyembro ng grupo," nakangiting sabi niya. "The healer of the group, Luna Sarton."

***

Titan Academy of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon