Chapter 15 : Vague

82.4K 3.8K 2.6K
                                    

15.

Vague

Third Person's POV

Binuksan ni Ponzi ang kanyang locker at hinubad ang maduming suot na polo. 

"Omg! Hot pandesal!" 

Narinig pa lang ni Ponzi ang tili ni Milky ay agad na itong napangiwi.

"Omg! Mukha mo parang mang inasal!" Panggagaya ni Ponzi sa malagkit at malamyang pagtili ni Milky habang nakangiwi.

Bago pa man tuluyang makalapit sa kanya si Milky ay dali-dali na siyang nagsuot ng t-shirt at beanie na pawang kulay itim.

"Whatcha doing?" Nakangising tanong ni Milky habang kinukurap-kurap pa ang mga matang may nagtataasang pilikmata.

"Mapuling ka sana." Walang emosyong sambit ni Ponzi sabay suot sa kanyang ulo ng headphone.

"Babe napuling na ako. Nakakapuling ka kasi, Nakaka-puling in love. hihi." Sabi pa ni Milky habang niyuyugyog ang sariling mga balikat sa kilig. 

"Isa nalang papatulan na talaga kita." Pagbabanta ni Ponzi na halos mamula na sa inis.

"Papatulan mo na ako?! Omg yey!" Pumapalakpak pa si Milky kaya napaiirap na lamang si Ponzi at marahas na isinara ang pinto ng locker.

"'to naman di na mabiro! Chill my boy! Chill!" Bawi ni Milky matapos pagtawanan ang reaksyon ng binata. "I'm just kidding around. Iba ang gusto ko." Dagdag pa nito sabay kindat.

"Ba't andito ka pa? Umuwi ka na nga! Mukha mo parang makailang ulit ng nanuno." Walang emosyong gumanti si Ponzi ng pang-aasar ngunit balewala ito kay Milky na nakatitig sa hawak niyang luma at kulay pink na ipod.

"Omg thats cute! Akin nalang please!" Pagmamakaawa ni Milky sa hawak na ipod ni Ponzi.

"Betlog mo pink!" Sarkastikong sambit ni Ponzi sabay tago ng ipod na mahalaga para sa kanya.

"Paano mo nalaman?" Biro naman ni Milky sabay kagat sa ibabang labi bagay na lalong nagpangiwi kay Ponzi.

"Ano Milky? Suntukan nalang?" Tanong na lamang ni Ponzi habang sinusuntok ng mahina ang braso nito.

"Ah! Oooh! Omg! More!" Biro pa ni Milky sabay sandal sa locker.

Natigil lamang ang dalawa sa pagbibiruan nang bigla na lamang umalingawngaw sa tahimik na pasilyo ang isang tili.

"Ano yun?" Agad isinabit ni Ponzi sa kanyang leeg ang headphone dahil sa gulat.

"Don't mind it. It's nothing. Lets go home baby boy." Giit ni Milky sabay kapit sa braso ni Ponzi na agad rin naman nitong iwinakli.

"It's a scream. It's not nothing!" Pagmamatigas ni Ponzi at dali-dali sinundan kung saan ito nanggaling.

"Suit yourself." Nakangising sambit ni Milky habang nakatanaw sa papalayong binata.

- - - - - 

Sinundan nga ni Ponzi ang ngayoy impit na tili at kakaibang ingay hangang sa makarating siya sa labas ng banyo ng mga babae. Sigurado si Ponzi na nanggagaling ang ingay mula rito kaya dali-dali niyang kinuha ang gunting na nasa loob ng bag at hinawakan ito ng mahigpit.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon