5

82.1K 2.6K 708
                                    

Denisse Gonzales
-Present Time-

Kinaumagahan maaga akong nagising habang nakatalikod sa aking asawa. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at dumiretso sa cr. Naligo muna ako bago bumaba sa kusina para ipaghanda ang mga chikiting.

Ang paborito nilang calderita ang niluto ko dahil nag promise ako sa kanila kahapon na kapag naka kuha sila ng mataas na marka ay ipagluluto ko sila nito at hindi naman nila ako binigo.

Habang abala ako sa pagluluto ay may naramdaman akong pumasok sa kusina. Nakita ko si Jonas na sapo ang kanyang noo habang kumukuha ng tubig. Basa pa ang buhok nito at halatang kakatapos lang maligo.Kinuha ko mula sa coffee maker ang kape na bago ko lang din inihanda at nilagay iyon sa lamesa.

Hindi siya nagsalita at binuklat ang dyaryong kinuha ko kanina mula sa mail box.

"Jonas, may importante nga pala akong sasabihin." Sabi ko dito habang nakaharap pa rin sa niluluto ko.

"What? Kung may sasabihin ka umupo ka dito sa harapan ko." Aniya habang patuloy pa rin sa pagbabasa ng dyaryo. Pinahinaan ko muna ang stove bago ako lumapit dito. I sit a chair away from him.

"P-pipirma na ako sa d-divorce paper." Ang nauutal kong sabi dito. Ang bigat ng pakiramdam ko habang sinasabi ang mga salitang 'yon. Pinangarap kong ikasal sa lalaking mamahalin ko at bumuo ng pamilya kasama siya pero hindi ko aakalaing isang papel lang ang tatapos nito.

"Divorce paper?" Nakita kong napatigil ito at ibinaba ang dyaryong hawak-hawak.

"Mmm. Nakita ko ito sa closet mo habang naglilinis ako. T-this is not working anymore." Para akong nanghihina at nawawalan ng lakas.

Hindi ito nagsalita at patuloy lang akong tinitigan.

"Pero I have two conditions." Seryoso kong sabi dito. I have to stand firm. Dapat kong panindigan ang magiging desisyon ko dahil para ito sa mga anak namin.

"Go on."

"Unang-una, sa akin custody ng mga bata. At pangalawa....be a father and husband to us sa loob ng dalawang buwan. Just two months, Jonas. Iparamdam mo sa kanila na kahit papaano'y mahal at may pakialam ka sa kanila before we leave." Halos magmakaawa na ako sa bandang dulo.

I realized that a having a complete and happy family is a luxury and the greatest gift not everyone can have. Gustuhin man ng isa, kapag ayaw naman ng isa ay hindi talaga ito mabubuo.

"How about your father? Blinack mail ako ng tatay mo to be with you. Paano kung malaman niya ito?" Tanong niya. Nahihimigan ko ang poot sa kanyang boses.

"Hindi. Hindi niya ito malalaman at hindi na siya mangingialam. Nag-promise sa akin si Dad." Sagot ko dito.

Pagkatapos ng kasal namin pinangako ni Dad na hindi na siya mangingialam sa buhay naming dalawa. Ginawa lang daw niya 'yon dahil ayaw niyang lumaki ang mga apo niya na walang kinikilalang ama at hindi buo ang pamilya. Galing kasi sa isang broken family si Dad.

"Okay." Tumayo ito mula sa pagkakaupo. Akala ko ay aalis na ito pero nagulat ako ng yumuko ito hanggang sa maipantay niya ang kanyamg mukha sa mukha ko. Inilapit niya ang kanyang bibig sa may tenga ko.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon