Opposite 3: Meet.

181 12 0
                                    

Black's POV

"Give me the list of our top agents." utos ng isang mid-age man sa kaniyang sekretarya. Agad naman itong sinunod at bahagyang may hinanap sa isang kumpol ng mga papeles. Maya-maya'y ito nang kaniyang ibinigay.

"Khyler Sismuego.
Ghionna Lipi.
Diego Kalipo.
Serge Dueno.
Xiena Vigre.
Call them, I have something to discuss of. Dismissed." Huling utos nito bago tapusin ang naganap na pag uusap. Yumuko ito't napahawak sa sentido. Siya si Mr. Castillo, ang kasalukuyang namumuno sa Fuerte Agency. Ang agency na ito ay kakaiba sa lahat, lahat ng makakapasok dito ay dugo't pawis ang mapagdadaanan. Lipon ito ng mga mahuhusay sa larangan ng pag-seseguridad sa mga nangangailangan at sikat na mga tao.

Nangunguna ang Agency nila sa buong mundo, kilala't mahusay. Walang palya kung kumilos. Swak at Pulido. Nagkalat sa iba't ibang bansa't kontinente ang samahang ito.

*Knock on door.*

"Come in." wika nito't saka inayos ang upo't postura. Mula sa naglalakihang pinto ng kaniyang silid, pumasok duon ang limang kan'yang pinatawag. "Sit."

"Good day, Sir. Castillo." sabay- sabay na bati ng lima at pagkatapos ay umupo na.

"You have mission to do. Protect these boys." Diretsong sabi nito na tinanguan lamang nila. Isang envelope ang ibinigay nito. Magalang nila itong kinuha't isa-isang tinignan. "Kayo na ang bahala sa kanila, nand'yan kung sino at ano sila. Your mission will start tommorow at 11:00. You'll meet them in the Clients Hall." Ang misyong tinutukoy ay walang iba kung 'di ay panatilihing ligtas ang taong naka-atang sa kanila. Sa bawat galaw, may pag-iisip. Sa bawat wika, may ipinapakita. Sa bawat mali, may naka-abang na parusa. "Dismissed."

Ghionna's POV

Buti naman at may naka-atang na. Bruh, nakakasura tumambay sa isang silid na puro bakbakan at training lamang. Oo, isa ako sa Top 5, means mahuhusay sa lahat. Kaming lima ang lamang sa lahat ng miyembro ng Agency na'to.

Ako ang pinakamatagal na dito, mag pipitong taon na akong miyembro, at isa lang ang masasabi ko. Cool. Alam ko na ang takbo't pasikot-sikot ng trabaho kong ito't masasabi mo talagang bihasa na ang kakayahan ko.

Si Xiena ang nangunguna sa amin, siya ang nagsisilbing lider ng tops. Siya din ang pinakabata sa amin. Tinagurian nga siyang 'Youngest leader.' Kainggit. Hahaha. Pero tunay na mahusay at matalino 'yan, masasabi mong lamang talaga s'ya.

Si Serge naman ang nagsisilbing kuya sa amin, ang pinaka-mature sa lahat at kuya material talaga. As in. Ako nga wala akong kapatid, pero sa kaniya ramdam ko ang magkaroon ng isa.

Nahahati ang tops by 5. Unang lima ay ang siyang makakasama't makakasalamuha mo sa loob ng ahensya. At dahil kami ang tinaguriang Highest Top, magkakasama't magkakalapit ang loob namin.

Si Khyler naman ang-- ewan. Joke lang. Siya ang pinaka-wirdo sa amin. Tunay. Minsan nga noong nasa isang misyon kami magkasama't may naganap na putukan at resbakan, 'di mo malalaman kung ano ba ang takbo ng utak niya. He's wierd but a smart ass at the same time.

Si Diego, s'ya ang happy pill naming lahat. Lagi n'yang napapatawa ang lahat, lagi n'yang pinapasigla ang lahat. Legitest na sobrang gwapo 'din. Lahat kami ay may angking kagandahan at kagwapuhan. *wink* nucxx taruy. Pero minsan nakaka-asar ang pagiging palatawa niya, like seriously? Sa sobrang seryosong usapa't sitwasyon, ayon siya. Natawa at nagbibiro mag isa. Tawag dun? Baliw.

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon