Chapter 30

25.6K 756 92
                                    

Bridgette's POV

"Here's your cheesecake, Ma'am"

"Thank you" wika ko at naglakad palabas ng coffee shop.

Kaninang umaga bago ako umalis ng bahay ay nagbilin saakin ang aking anak at nagpapabili ito ng cheesecake. Kagagaling ko lang sa meeting ko tungkol sa mga construction dito sa probinsya na kailangang ma-finalize na ang mga papeles dahil may papalit na sa pwesto ko.

Desidido na ako sa desisyon kong hindi na muling hahabol dahil magulo ang mundo ng politika at ayokong lumaki ang anak ko sa magulong buhay na may posibilidad na madamay siya. Napag-pasyahan kong mag-focus nalang muna sa hospital at pati nadin sa iba ko pang paga-ari.

Pag-labas ko ng coffee shop ay may pamilyar na babaeng  sumalubong saakin. Napatingin at bahagyang lumapit ang mga body guard ko pero sinenyasan ko sila na okay lang at lumayo sila ng kaunti. Disente ang ayos ng babae at halatang mayaman.

"Hello, Congresswoman" bati nito

"Hi" bati ko naman na may kaunting alinlangan.

"I'm so glad to finally meet you" wika nito at hinalikan ako sa labi which caught me off-guard.

Napahawak ako sa braso nito para ilayo ito saakin habang siya naman ay dali-daling lumayo at pumasok ng coffee shop. Napatingin ako sa mga body guards ko na napatingin din saakin ng may pagtataka.

"I don't know her" bakas padin ang pagtataka sa aking mukha. Napatingin ako sa paligid at buti nalang walang tao at wala naman sigurong nakakita sa nangyari. Isinawalang bahala ko nalang at tumuloy na sa sasakyan ko.

Pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko ang aking anak na naglalaro sa playground habang may naka-handang juice sa tabi. Agad kong pinakita ang dala kong pasalubong at nagtatalon naman ito sa saya.

"Thank you, Mommy!!" Tuwang tuwa na sambit nito at agad binuksan at kinain ang cheesecake na dala-dala ko.

"You are always welcome. But don't eat too much okay? Don't spoil your dinner" sabi ko rito. "I'll just change my clothes"

Iniwan ko na muna siyang nagla-laro habang ako naman ay umakyat sa kwarto ko at nag-shower.

Ilang linggo na simula noong umalis pabalik ng New York si Chelsea and I can't deny the fact that I really miss her. Ang sarap lang sa feeling kasi I feel like everything is settled na; tho not entirely everything kasi may mga issues pa ako na hindi natatapos. Pero just the idea of me and her finally settling is overwhelming.

I can still remember my relationship with her  3 years ago was a blur but now, I am sure.. I am sure of her; I want to raise our kids together, I want us to grow old together and so on.

Maya maya din ay bumaba na ako at nakipag-bonding kay Jane. Ang dami niyang tanong tulad ng saan daw ako galing at ano ang meeting. Magta-tatlog gulang palang ang anak ko at medyo mahirap pang intindihin ang mga salita niya pero yung construction of thoughts niya ay advance para sa kaniyang edad.

"Do you still remember what I told you last time? The people here are also like my kids and I am their mommy. I need to build them a nice and comfortable home so they will have a good night sleep everyday. I also need to fix the road so they won't experience accidents while walking or driving" I explained and she suddenly hugged me

"You are the best, Mom. Thank you for taking care of the people and also me"

Yung simpleng mga salita lang ng anak ko ay nagpa-iyak saakin. Imagine all the stress that you endured all day and this is what you will go home to.. hindi ba mawawala lahat ng pagod? Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpu-pursigi ako sa serbisyo ko; dahil ito rin ang mundo ng anak ko at mga magiging anak ko, pati nadin ang mga magiging pamilya nila.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon