/51/ Atrium

279K 9.8K 3.4K
                                    

[Jill Morie's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Jill Morie's POV]

"WE need to go," aniya matapos kong bumitiw.

"Saan tayo pupunta?" parang batang tanong ko sa kanya, parang batang naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. Naisip ko kung tama ba yung tanong ko, mayroon pa nga ba akong pupuntahan sa mga oras na 'to?

"I don't know," umiiling niyang sabi, pagkatapos ay napatigil siya, huminga ng malalim at napapikit saglit. Maging siya rin pala hindi rin alam kung saan maaaring pumunta. Gusto ko ulit magtanong, kung bakit nandito siya ngayon at kung paano niya ko nahanap. Sa totoo lang I have tons of questions to ask but knowing her hindi rin naman niya ibibigay ang sagot. Hinawakan niya bigla yung kanang braso ko."Basta, kailangan na nating umalis dito." Natin?  Hindi niya na ko hinintay makasagot at hinila paalis sa madilim na lugar na ito.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin na para bang takut na takot maagawan, ramdam na ramdam ko rin yung kamay niyang kasing lamig ng yelo. Umaalingawngaw sa buong paligid yung tunog ng bawat nagmamadaling hakbang namin mababakas ang pagnanais na makatakas. Nang marating namin yung ground floor, tsaka lang namin napansin ni Miss na wala ng ingay na nagmumula sa central grounds. Posibleng huminto na naman ang oras. Nasaan na nga kaya sila Jing Rosca?

"Where is he?" kahit mahina narinig ko yung sinabi niya. Luminga-linga siya sa paligid, may hinahanap pero kaagad ding nabigo. Sino'ng hinahanap niya? Alam ba talaga ni Miss kung anong  nangyayari ngayon?

Naglakad ulit siya, habang hawak-hawak pa rin ako sa braso. Para lang talaga kong bata kung hawakan niya. Biglang nagbalik alaala sa isip ko ang nangyari kanina lang, ang ginawa ni Baldo sa'kin, parang may tumusok na kung ano sa puso ko, bumalik ulit bigla yung sakit. Pinilit kong makabitaw sa pagkakahawak ni Miss sa'kin, dinidikta ng utak ko na tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Paano kung isa na namang patibong 'to? Paano kung kasama siya sa plano nila?

"Isa ka rin sa kanila, hindi ba?" hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob na magtanong, basta bigla na lang lumabas sa bibig ko. "Miss Karen, isa ka rin sa Memoire at hindi rin totoo ang pangalan mo." The archives, the director from that orphanage called her 'Beatrice', hindi ko pa 'yon nakakalimutan, pati na rin yung araw na naabutan namin siya sa homeroom noong tumatawag sa'kin yung unknown caller, may alam siya tungkol kay Lucille, and most of all I can't see the future in her eyes. Morris told me that she's protecting me, but why? Anong mabigat na rason kung bakit niya ginagawa yon?

"Yes," diretsong sagot niya. "But it doesn't mean na katulad ko sila. Listen, Jill, hindi muna ito ang oras para magpaliwanag, we need to go."

Ganyang ganyan din yung sinabi sa'kin ni Enriquez kanina, na he don't have time to explain now and we need to escape as soon as possible. 'Wala kang dapat ibang pagkatiwalaan kundi ako, Jill, you need to trust me. Runaway with me' Napailing lang ako, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nagugulumihanan na 'ko sa lahat ng bagay. O sadyang tama lang talaga na wala akong ibang dapat na pagkatiwalaan kundi sarili ko lang?

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon