Kabanata 7

227K 14.4K 25.3K
                                    

[Chapter 7]

"SUGOD!" sigaw ng mga rebelde habang tinutugis ang mga guardia na ngayon ay sugatan at duguan na ngunit pilit pa ring tumatakbo papalayo sa kanila. Nabitiwan ko ang lampara na diretsong bumagsak sa lupa. Nabasag ito at mabilis na kumalat ang apoy sa buong kalupaan.

Ngayon ko lang napagtanto na malapit pala ako sa pagaawaan ng langis kung kaya't singbilis ng kidlat ang pagkalat ng apoy. Napatigil ang mga kalesa at kabayong naagaw ng mga rebelde sa mga kawal dahil sa lakas ng apoy na humahati sa kalsada.

Nagpatuloy pa rin ang pakikipag-laban ng ilang kawal sa mga tulisan upang protektahan ang kanilang heneral na ngayon ay duguan at may tama sa balikat. Napatakip ako sa bibig nang makita kong sumuka ng dugo si Sebastian.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kaniya, nanghihina na siya at patuloy ang pagsuka niya ng dugo. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Alam kong hindi pa siya mamamatay ngayon pero alam ko ring sobrang hirap ng dinadanas niya lalo na ang dalawang balang nakabaon sa balikat at binti niya.

Inalalayan ko siyang tumayo, napalingon sa akin ang ilang kawal. "K-kakampi ako!" sigaw ko sa takot na sa akin nila iwasisaw ang espada. Dalawang guardia ang pilit na nagtatanggol kay Sebastian laban apat na tulisang nakikipaglaban sa kanila gamit ang itak at espada.

Hirap na hirap akong itayo si Sebastian lalo na't mas mabigat siya sa akin ngunit kahit papaano ay ramdam kong ginagawa niya ang lahat para mabuhay. Nakakailang hakbang pa lang kami papalayo nang sabay kaming madapa at sumubsob sa lupa dahil may panang tumama muli sa binti niya.

Isang lalaki ang tumatakbo na ngayon papalapit sa amin para hambalusin kami ng itak. Nataranta ako. Mabilis kong hinugot ang phone ko sa bag at malakas na hinampas iyon sa noo niya. Natulala ang lalaki sa lakas ng pagkakahampas ko sa noo niya at bigla itong bumagsak sa lupa.

Nakita iyon ng isa pang tulisan at agad ginising ang lalaking hinampas ko ng phone. Tumingin ng matalim sa akin ang kasamahan niya at akmang susugurin ako pero mabilis kong inikot ang wire ng eaprhones sa leeg niya at sinakal siya saka tinulak sa katabing bangin na hindi naman ganoon kalalim.

Napalingon ako kay Sebastian, hawak na niya ngayon ang dulo ng lubid ng kabayong hindi mapalagay dahil sa apoy. Agad akong tumakbo sa kaniya. "Kailangan na natin makaalis dito!" saad ko, tiningnan niya ako pero muli siyang sumuka ng dugo. Buong lakas ko siyang inalalayan na makasampa sa kabayo kahit medyo magalaw ito.

Nang makasakay na siya, sumampa ako sa likod. "Hala! Hindi pala ako marunong magpatakbo ng kabayo! Paano ba 'to?" ang alam ko papaluin ang pwet pero nang tapikin ko ang pwet ng kabayo ay wala namang nangyari, parang nagtatapik lang ako ng batang papatulugin.

"Sebastian! Gumising ka!" ulit ko, pilit kong inabot ang lubid ng kabayo at ipinahawak iyon sa kamay niya. Napalingon ako sa ilang tulisan, napatumba na nila ang dalawang guardia na nagtatanggol kanina kay Sebastian. Nasaan na ang iba? Bakit ako na lang nandito? Hindi pa dito magtatapos ang character ni Sebastian!

"Wait!" napasigaw ako ng mahaba para pigilan ang paglapit sa'min ng mga tulisan ngunit napahawak din ako ng mahigpit sa baywang ni Sebastian nang biglang tumakbo ang kabayo. Hinang-hina na si Sebastian pero nagawa niya pa ring mapatakbo ang kabayong sinasakyan namin.

Napalingon ako sa mga tulisan, ibinato na lang nila sa lupa ang mga armas at itak na hawak nila dahil imposibleng mahabol pa nila kami dahil sa laki ng apoy na pumagitna sa daanan.

AGAD kong dinala si Sebastian sa pagamutan. Nataranta ang mga doktor at mga nagsisilbi roon nang makita ang sugatang heneral. Hindi ako mapakali, panay ang lakad ko pabalik-balik sa labas ng silid kung saan ginagamot ngayon si Sebastian.

Salamisim (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon