Entry #54

169K 4.4K 103
                                    

 Dear Future Boyfriend,

Wow. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko ‘yon sa’yo. Kahit ako, hindi ako makapaniwalang nararamdaman ko pala yon para sa kanya. Pero ito ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko ngayon; gusto ko lang ba si Ashton dahil alam kong gusto  nya ako? At nandyan pa yung BIG IF sya nga si Mr Creeper.

Nagustuhan ko lang ba sya kasi gusto nya ako? O naging aware lang ako sa feelings ko kasi nalaman kong gusto nya pala ako? Itinanggi ko nang itinanggi pero yun naman pala gusto ko sya?

Nilista ko yung mga pagkakataon na nagpapatunay na sya nga si Mr Creeper.

1.      Tatlong beses nag-vibrate ang phone nya nang mag-text ako kay Mr Creeper (first time sa  coffee shop, second and third sa vacation house nila).

2.      Hindi ako masyadong tinetext ni Mr Creeper noong alam ko na busy si Ashton sa graduation nya.

3.      Pareho silang lilipat ng school.

Enough evidence na kaya ‘to? Mag-iisip pa ako ng iba.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon