6

81.4K 2.6K 545
                                    

Denisse Gonzales
-Present Time-

Habang nagluluto ako ng agahan para sa aking mag-aama hindi ko maiwasang mapangiti pero agad din iyong napawi ng maalala ang pinag usapan namin kagabi ni Maricel.

Flashback

"Hello, Cel? May sasabihin ako pwede ka ba?" tanong ko dito habang nakatitig sa kalangitan.

Nandito ako sa may garden ng bahay, kanina pa natutulog ang mga bata at hinihintay ko lang na makauwi si Jonas...kung uuwi man siya.

"Always, Den. May problema ka ba? Nag-away kayo ulit ng asawa mo?" Tanong nito sa kabilang linya. Umiling ako na para bang makikita niya ang mariin kong pagtanggi.

"No. Hindi kami nag-away...but we had an agreement awhile ago." Sabi ko dito at bumuntong hininga.

"Agreement? Anong paandar yan baks?" Nagtataka nitong tanong.

"Napagkasunduan namin na mag divorce after two months." I confessed. Parang kay bigat bigkasin ng mga salitang iyon at hindi ko maiwasang maluha ulit.

Akala ko may pag-asa pa, na baka pwedi pa naming maayos ang pagsasana namin at hindi humantong sa hiwalayan pero hanggang pangarap lang pala lahat ng 'yon.

"REALLY?! Finally at natauhan ka na rin. My god, Den! Pinaabot mo pa ng 8 years yang kabaliwan mo." Pagbubunyi nito and I could already picture out her smiling face from this news.

Everyone keeps on telling me to quit on him pati siya ay tila sinasabi na bumitiw na ako sa kanya. Na tigilan ko na ang kahibangan ko na manatiling nakatali sa kanya but I didn't hear them out. Pilit kong ipinipilit ang ilusyon na pwede pa, na kaya pa pero hindi na pala.

"But I told him to be a father to our children for two months before we go." Dagdag kong sabi dito.

"To be what?! Den, you're giving false hope to your children. Masasaktan sila kapag lumayo na kayo." Aniya sa nag-aalalang tinig.

"Naisip ko rin naman yan. Cel, gawin ko man ito o hindi masasaktan pa rin ang mga anak ko. Pero Cel ayaw ko kasing matulad sila kay Daddy na sa sobrang galit kay lolo hindi na niya namalayang sinisira na niya ang sarili niya. Dahil sa galit niya kay lolo unti-unti na siyang nagiging katulad dito. Ruthless and hateful. Noong isang araw, I can feel the indifference and hate from my children to their father. Ayokong mawalan sila ng respeto sa ama nila dahil bali-baliktarin man ang mundo ama pa rin nila ito." Paliwanag ko sa kanya habang dinadama ang pag-ihip ng hangin.

Hindi ko man mabubuo ang pamilyang dapat na para sa mga bata pero gusto kong tapusin ito sa matiwasay na paraan. Gusto kong lisanin ang bahay na ito ng walang sama ng loob.

"I see. Buhay niyo yan, Den. Ikaw ang mas nakakaalam kung ano takbo niya buhay niyo nandito lang ako para makinig at tumulong sa iyo always. That's the least I can do for you for putting you on that mess." Mahinang sabi niya sa kabilang linya.

"Cel, I already told you to stop blaming yourself. Walang may kasalanan dito, ginusto ko 'to. Let's just forget the past."

"Thank you, Den. Ang masasabi ko lang talaga sayo is to always make your children your priority. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ngayon mo lang naisipan 'yang pakikighiwalay dyaan sa asawa mong bugnotin." Inis na sabi nito na mahina kong ikinatawa.

"Everytime kasi na maiisip ko ang pakikipag hiwalay sa kanya bigla-bigla na lang siyang nagpapakita ng magandang bagay na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Like noong mga baby pa ang kambal, I was having a hard time waking up every night pero nagtaka ako kung bakit hindi ako nagigising sa iyak ng dalawa for three consecutive days ayon I woke up seeing him na pinapadede ang dalawa. Noong three years old din ang kambal nahuli ko itong tumabi sa kanila at pinagmamasdan ang dalawa habang natutulog. Alam ko rin na siya ang sikretong taong nagpapadala ng laruan at mga regalo sa dalawa tuwing may okasyon. Cel, I know he loves the kids pero siguro ay natatabunan ito ng galit niya sa akin at sa pamilya ko." Pagkwe-kwento ko dito and I couldn't help but to smile at those short sweet memories of him.

Umalis man kami sa puder niya, I know he will still care for the kids.

"Kaya pala sobrang rupok mo, gurl. Okay fine. Buhay mo yan basta ingatan mo ang sarili mo at ng mga bata. Kumakalat pa naman ang virus ngayon. Stay clean and hygienic. Painumin mo rin ng vitamins ang bulilit lalong-lalo na 'yang si Janisse. Update me nalang ha? Start na ng work ko, bye! Love you!" Paalam nito sa akin.

"Bye. Thank you at ingat ka rin lagi. Love you."

End of flashback

"Good morning mama!"

Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang masiglang pagbati ni Jaiden sa akin. Paglingon ko, naka suot na ito ng uniform niya habang nakangiti ng malapad. Ngayon ko lang ito nakitang ngumite ng pagkalaki-laki.

"Good morning, kuya. Saya natin ah." Tukso ko dito habang hinahanda ang mga pagkain sa lamesa.

"Yeah! Dad taught me how to solve a problem from my calculus book. I think I can answer harder questions now." Aniya at umupo sa harap ng hapag at ibinigay sa akin ang isang papel na puno ng equations.

Ang tinutukoy nitong libro ay ang pasikretong iniregalo ni Jonas na libro sa kanya noong seventh birthday nito. Mahilig kasi si Jaiden sa math kaya sukdulan ang saya nito ng matanggap ang regalong 'yon mula kay 'D.J.'

"Wow! Galing naman ng future engineer ko. Pakiss nga." Tinadtad ko ito ng halik sa mukha hanggang sa malakas itong tumawa. Nasa ganoon kaming tagpo ng dumating si Jonas na nakapang office karga si Janisse na halatang inaantok pa.

"Good morning, Dada." Humihikab na bati nito sa akin at mas lalo pang sumiksik sa leeg ng kanyang ama.

"Baba ka na, nak. Kakain pa si daddy mo pati ikaw." Akmang kukunin ko sana si Janisse mula kay Jonas ng hilahin ako huli at hagkan sa labi.

"Good morning. Ako na ang magpapakain sa bata, you should eat too."

Wala sa sarili akong napatango dahil gulat pa rin ako sa halik niya kanina. Gusto ko sanang magbunyi but then I realize that everything is not true. He's just pretending.

Puso, masanay ka na. Dalawang buwan lang to huwag kang umasa ng sobra.

Umupo ito sa gitna ng hapag at kinandong si Janisse.

"By the way, I'm going to take you guys out tomorrow for a hike. So the both of you," tiningnan niya isa-isa ang kambal,"should behave in school or walang lakad na matutuloy."

Isang malakas na YES! Ang tanging narinig ko mula sa dalawa and I couldn't help but to smile with them.
Saglit pang nagtagpo ang paningin namin ni Jonas pero mabilis rin akong umiwas.

I was afraid of seeing hate and disgust on his eyes in this wonderful moment. Ayokong makitang pandirihan niya ako sa mga oras na ito like how he usually see me.

----------------------------------------------------------
Super short update lang din pang pawala ng stress hahahaha before ko harapin ang mga pisteng numbers ng bascal at stats. Stay safe guys! Love you. Mag-aaral na talaga ako, promise. Last na 'to. Mwuah! Ciao!

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon