Chapter 17 : A toast

66.9K 3.5K 1K
                                    

17.

A toast

Tammy

"Hello?" Sagot ko sa telepono habang nakatingin sa kanila.

"Hey, can you be a good girl and do what I say?" 

Parati ko ng naririnig ang malalim at mala-demonyo niyang boses pero hindi parin ito pumapalya sa pagbibigay ng matinding kilabot sa sistema ko.

"You son of bitch, where's Ford?!" Bulalas ko habang nililibot ang paningin sa paligid.

Tinawagan niya ang mismong telepono dito sa guardhouse. Ibig sabihin nandito siya. Ibig sabihin pinapanood niya kami. Sinenyasan ko sina Ponzi at Kirk na maaring nasa tabi-tabi lang ang kausap kong demonyo kaya maging sila ay nagsimula ring maghanap.

"Alam mo na agad na nawawala si Ford? My, my, you really have beauty and brains Tamara." Aniya kaya napahawak na lamang ako ng mahigpit sa telepono.

"Listen here Crimson Ripper or whoever you are." Napabuntong-hininga na lamang ako at pinilit kong isipin ang sakit na maari niyang pinagdaanan. Inalala ko ang sakit na naramdaman ko noon. Siguro pareho lang kaming nasaktan. "Tama na. Tigilan mo nato. Sa tingin mo ba mawawala ang sakit nararamdaman mo sa paghihiganti? Kung yan--

"Wala kang alam sa mga nangyari kaya itikom mo yang bibig mong putak ng putak!" Bigla niyang bulyaw na tila ba galit-galit kaya lalo akong natakot. "Subukan mo akong pangaralan ulit, at mga magulang mo ang ililibing ko ng buhay."

Napalunok agad umiling-iling.

"K. Chill dude." Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Gusto mo ba talagang makita si Ford?" Aniya.

"Oo! Sabihin mo sakin anong gagawin!" Sigaw ko na lamang kaya lumapit sina Ponzi at Kirk sakin, kapwa gustong malaman ang pinag-uusapan namin.

"Masaya to. Ganito, una gusto kong kunin mo ang isang itim na bag mula sa ilalim ng kulay asul na kotse." Utos niya kaya inilapag ko ang telepono sa mesa pansamantala.

"Blue car. There's a bag underneath." Sabi ko.

"Ako na!" Giit ni Ponzi at walang paligoy-ligoy na kinuha ang bag mula dito. Tiningnan namin kung ano ang laman nito at lalo kaming nagtaka nang makita ang isang bote na animo'y tubig mula sa loob.

"We have it. Whats next?" Binalikan ko ang telepono.

"Pangalawa, ganito, gusto kong inumin ninyong tatlo ang laman. Gusto niyong mahanap si Ford diba? Pwes ito ang solusyon." 

"Paano namin masisiguradong tutupad ka sa kasunduan? Ano ang laman niyan? Lason? Asido?" Sunod-sunod kong tanong. 

"Tiwala Tammy. Tiwala." Aniya at bigla na lamang ibinaba ang tawag.

Sa isang iglap nabitawan ko ang telepono at nanatiling nakatitig sa hawak ni Ponzi na bote.

"Anong sabi niya?" Tanong ni Kirk sakin.

"H-he says we have to drink it....  we need to drink it to find Ford." Halos walang salitang lumabas mula sa bibig ko.

"Gawin natin!" Giit ni Ponzi at walang pagdadalawang-isip na binuksan ang takip nito.

"Wag! Nababaliw ka na ba?!" Bulyaw ni Kirk na halos magsalubong na ang kilay.

"Ano?! Hahayaan nating mamatay si Ford?! Palibhasa hindi niyo kaibigan ang nasa bingit ng kamatayan!" Napatingin si Ponzi sakin at awang-awa ako nang makita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya, "Tammy... Tammy pakiusap. Lets take a risk."

Napatingin ako kay Kirk at agad siyang umiling-iling.

"No Tammy! Katangahan to! Dont do this! We cant risk our lives." Giit ni Kirk na parang nauubusan na ng pasensya sakin. Muli akong napatingin kay Ponzi at ngayon ay tuluyan na ngang tumutulo ang luha mula sa mga mata niya.

"Tammy kahit para kay Dustin." Muli niyang pakiusap.

Si Dustin. Nangako ako noon na gagawin ko ang lahat para mapanatili siyang masaya. Nangako akong babawi ako sa kahit na anong paraang kaya ko.

Napatingin ako kay Kirk at naupo sa sahig. Inagaw ko mula kay Ponzi ang bote at walang paligoy-ligoy na lumagok mula dito.

"Tammy..." Mahinang sambit ni Kirk na gulat na gulat sa ginawa ko.

"For Dustin." Walang emosyon kong sambit.

"And Ford." Inagaw ni Ponzi mula sakin ang bote at siya naman ang walang pagdadalawang-isip na uminom mula dito.

"Fuck!" Naiinis man, wala ng nagawa pa si Kirk kundi tumabi sa amin at uminom rin mula sa bote.

Ilang sandali pa ay unti-unti na akong nakaramdam ng pagkahilo. Para bang bumibigat ang talukap sa mga mata ko at nagsisirko-sirko na ang paningin ko. Natatakot na ako kaya napahawak na lamang ako kay Ponzi at Kirk.

END OF CHAPTER 17.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon