Chapter 57

16.2K 748 329
                                    



Zaparta's POV

"Zap!" tumigil ako sa pag-jogging at nilingon ang tumawag sakin. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang towel na nakasabit sa leeg ko habang hinihintay na lumapit sakin si Lulu.

"Good morning. Ang aga mo ah?" tanong ko sa kanya. Casual lang ang suot ni Lulu ngayon at sa pagkakaalam ko ay malayo layo ang bahay nila sa lugar namin kaya naman nagtataka ako na nandito sya.

"Good morning! pupuntahan ko lang si Dite. Nandito daw sya ngayon eh." sabi nya.

"Ah oo, dadamayan daw nya si Zandy na natalo natin kahapon." sabi ko. Napahalikgik si Lulu.

"Sweet talaga ng Dite namin." sabi nya. Sabay na kaming naglakad pauwi samin. Tapos na rin naman ako mag-jogging.

"Pero ang aga mo pa rin pumunta ah?" tanong ko sa kanya. Uminom ako ng tubig.

"Kung hindi ko kasi aagahan, hindi ko sya maabutan. Kilala naman natin si Dite, mas busy pa sya sa isang business man." parehas kaming natawa sa sinabi nya. Once a month lang nakakauwi ng bahay si Dite tapos ilang oras lang ay aalis din agad sya. Iniisip nga namin na dahil pa rin kay Rigel kaya umiiwas sya.

"Bakit hindi mo kasama si Tyrant?" tanong ko ulit.

"Busy sa practice. Alam mo naman, tayo ang sunod nilang makakalaban." nakangising sabi nya pero nawala din at ngumuso. "Gusto ko na rin maglaro at makalaban si Tyrant." napangiti ako. Ngayong Cup Tournament ay hindi pinayagan ng dalawang coach namin na maglaro si Lulu kahit na ang kalaban namin ay madaling talunin. Hindi ko rin alam sa dalawang coach namin kung bakit, may potential naman si Lulu.

Nakarating kami sa bahay nila Dite. Saktong nasa garden lang yung dalawa kasama si Lee. Nagmamadaling lumapit si Lulu kay Dite at niyakap ito. Sa totoo lang, kung hindi ko lang alam na girlfriend ni Lulu si Asta, iisipin kong mag-girlfriend ang dalawang ito eh. Si Tyrant kasi hindi sya ganong ka-clingy kay Dite, hindi katulad ni Lulu na sa tuwing makikita nya si Dite niyayakap nya ito.

"Zap." tumingin ako sa pintuan ng bahay nila. Si Ate. "Laro tayo?" pag-aaya nya. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya. Ngayon lang ulit kami maglalarong dalawa ni Ate kaya masaya ako na niyaya nya ako.

Pumunta kami sa likod ng bahay nila. May court sila doon. Nandon sila Ate Alexa, Tita Linnett at Tita Steph. Binati nila ako kaya ganon din ako sa kanila.

"Malaki laki ang naging improvement mo, Zap. Nagawa mong talunin si Kennie." sabi sakin ni Ate at ibinato ang bola. Itinira ko muna ang bola sa ring. Napangiwi ako dahil hindi ito pumasok. Tumama lang sa rim.

"Thanks to Sora." nakangiting sabi ko.

"Medyo nagtatampo ako dahil hindi ka na sakin humihingi ng payo." nakangusong sabi ni Ate at itinira ang bola sa ring. Pumasok naman 'yon.

"Si Ate talaga oh. Syempre, kalaban namin kayo at si Kennie itong gusto kong talunin." sabi ko.

"Si Eloi na ang sunod mong makakalaban. Mukhang kaya mo naman sya dahil nagawa mo syang talunin nakaraan." sabi nya. Napatingin ako sa itaas na para bang nag-iisip.

"Not sure. Malay natin, nag-improved din sya dahil nga natalo ko sya nung nakaraan." kinuha ko ang bola at tumakbo papunta sa ring. Nag-lay up ako. "Pero hindi ako papayag na matalo nila ako." nakangiting sabi ko kay Ate. Napangiti sya sakin. 

"Good luck, Zap. Kahit na natalo mo kami, may tiwala ako kayo ang mananalo." nag-fist bump kaming dalawa ni Ate.

Pagkatapos kong mag-almusal sa bahay nila Ate, umuwi na ako sa bahay namin nila Mama Alicia pero dumalaw muna ako saglit kanila Papa. Nakita ko si Sora na nasa sala na natutulog. Hindi ko na muna ito pinansin at tumungo sa kwarto. Naligo at nagbihis na ako tsaka pumunta sa kwarto nila Mama Alicia. Nakita ko sya na nagtutupi ng damit nila.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now