CHAPTER TWO

1.8K 125 23
                                    

Lucas Guevara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucas Guevara

"Sinabi ko na, hindi ako sasali sa larong 'yon." Lucas said. Paulit-ulit kasi siyang pinapaalalahanan ni Gina patungkol sa laro na gaganapin mamayang hapon.

Umaga pa lang ay pinapaalala na ng mga katrabaho ang gaganapin na laro. Kaunti na nga lang at mapuputol na ang manipis na pisi ng pasensya ni Lucas.

He'd rather do the paperworks than joining that blind date thingy. Isa pa, hindi siya interesado.

"Lucas, my dear. It's time to have some fun. Sa loob ng tatlong taon ay wala kang ibang ginawa kundi ang lunurin ang sarili mo sa trabaho." Pagpapaliwanag ni Gina. "Wala namang mawawala sa 'yo kung sasali ka sa laro." Kibit balikat pang dagdag nito.

Itinigil ni Lucas ang pagtitipa sa laptop atsaka binalingan ng tingin ang kaibigan.

"May mawawala."

Kumunot ang noo ni Gina.

"Ano naman?"

"Oras, malaking kawalan sa oras ang pagsali sa larong 'yan."

Napairap si Gina sa narinig.

"Ayaw mo bang makahanap ng significant other mo? Don't you want to have someone who is there to love and take care of you?" Tila ba nababahiran ng pag-aalalang aniya Gina sa kaibigan.

She's worried that Lucas might ended up being alone- forever. Na tumanda ito ng hindi nararanasan ang pagmamahal.

"I can take care of myself, Gina. I also know how to love myself kaya hindi ko kailangan ng special someone na 'yan." Paliwanag ni Lucas habang abala siya sa pagtitipa.

"Ang sabihin mo, ang trabaho na ang papakasalan mo." Inis na aniya Gina. Ibinalik na lang nito ang atensyon sa trabaho.

Walang interest si Lucas na maghanap ng makakasama sa panghabang buhay. Nandiyan naman ang pamilya niya at ang mga kaibigan niya kaya hindi na niya kakailanganin pa ng special someone. Abala rin siya sa trabaho kaya kung magiging malaking sagabal lang para sa kaniya ang pagkakaroon ng special someone.

Isa pa, kahit kailan ay hindi nagwala ang puso niya sa isang tao. Hindi niya naramdaman ang kilig na kinababaliwan ng ibang tao, hindi niya naranasan na pamulahan ng pisngi, never din siyang nagkaroon ng crush kaya magiging mahirap din para kay Lucas na makahanap ng mamahalin.

Napabuntong hininga si Lucas. Ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa ngunit madalas niyang balingan ng tingin si Gina na naka-focus na sa ginagawa ngunit bakas pa rin sa mukha ang inis. Muli, napabuntong hininga si Lucas.

Mukhang galit sa kaniya ang kaibigan. Hindi pa naman siya sanay na may galit o may tampo sa kaniya.

Pinilit na i-focus ni Lucas ang atensyon sa trabaho, pero sa tuwing nakikita niya ang iritableng mukha ni Gina ay napapabuntong hininga na lang siya.

Office Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon