Nathan's Point of View
Tapos na ang klase namin kaya naman lunch na
At dahil nasa likod ako at medyo nasa harap sila Matthew and Amore, pinuntahan ko sila
"Hoy pwede ba mahiram naman yung kaibigan ko? Buong araw na kayo mag kasama" pag tataray ko kay Matthew
"Yun ay kung okay lang kay Amore, napag desisyonan kasi namin na sabay kami kumain ngayon eh" sambit saakin ni Matthew
Tumingin saakin si Amore at tinaasan ko sya ng isang kilay
"Nathan sabay kasi kami ni Matthew na kakain, pero kung gusto mo sumabay ka saamin, okay lang naman" mahinhin na tugon ssakin ni Amore
"Ano? Parang ako pa yung nakikibelong ngayon sayo ah! Hindi na mag de-date pa kayo eh baka nakakaistorbo ako" naiinis na sambit ko sakanya sabay lakad palayo
Naiinis lang ako kay Amore, alam ko naman na matagal na nyang crush si Matthew, pinupush ko pa nga sila sa isa't isa eh
Diko lang alam kung bat naiinis na ako ngayon, siguro kasi hindi ko masyadong nakakasama si Amore
Pumunta ako ng canteen at bumili ng makakain
Andito si Kuyang pogi na nagtitinda, umorder ako wala ako sa mood makipag landian
Isang buko juice at sandwich ang inorder ko
Paalis na ako sa canteen ng makita ko ang dalawa
Ang saya nila ah, tawa sila ng tawa lalo na si Amore
Mas masaya naman si Amore pag ako ang kasama. Bitch!
At dahil sa inis, umalis na ako doon at napag desisyonan ko na sa classroom nalang kumain
Kung doon pa ako kumain baka maibuhos ko pa tong buko juice na dala ko sa lalaking yun
11:50 ang start na lunch namin at mag re-resume ang class ng 12:50 bale 1 hour ang lunch break namin
At dahil sandwich lang naman ang kinain ko maaga akong natapos, 12:27 palang kaya naman nag ayos muna ako
Amore's Point of View
Kanina pa kami mag kasama ni Matthew at I must say na ang saya nyang kasama
Mag jojoke sya kahit ang corny tas lagi syang nakangiti
Enebe kresh lalo akong nafafall
Diko alam kung pano nangyari ang lahat ng ito, basta kanina pag pasok ko nakaupo sya sa upuan ni Nathan at nakangiti
Hindi talaga kami nag papansinan ni Matthew simula pa noon, kaya nagulat ako nung nakita ko sya na naka upo sa upuan ni Nathan
Nag dalawang isip pa ako kung uupo ba ako dun sa pwesto ko o lilipat ng upuan
Pero bago pa man ako makapag desisyon, tinawag na nya agad ako at pina upo sa pwesto ko
Ang weird lang kase talaga, di naman kasi kami nag papansinan dati, kung mag papansinan man, siguro pag may groupings, basta mabibilang mo lang yung pag uusap namin
Nung maka-upo na ako sa upuan ko, bigla bigla nalang akong kinausap ni Matt
Weird.
Iba iba ang topic namin, sya rin yung nag first move para mag-kausap kami
Nag usap lang kami at unfairness angdami nyang kwento, hindi nauubusan
Kaya hinahayaan ko lang syang nag kwento, di naman talaga ako nakikinig eh, nakatitig lang ako sa muka nya
Color brown ang mata nya, shet naman nakakatunaw. Tapos mahaba din pilik mata nya, mas maganda pa ata pilik mata nya saakin. Matangos ang ilong at manipis ang labi nya, ang pula ng labi nya na akala mo laging nag liliptint peri hindi natural lang ang kulay ng labi nya. Maputi din sya at matangkad, hanggang balikat nga lang nya ako eh
Maya maya pa, dumating si Nathan, lumapit sya saamin at tinaasan ng kilay si Matt, naki usap naman si Matt na dito muna sya sa upuan nya, ngayong day lang naman daw
Tinarayan muna sya ni Nathan tsaka pumayag, dun sya naupo sa may likudan
Hindi ko din sya nakasabay na kumain kaninang lunch, kase naman may usapan kami na ililibre ako ni Matt, eh hindi ko naman tinanggihan kase libre naman nya at isa pa crush ko toh noh.
Pero niyaya ko din naman sya pero di pumayag nag tatampo ata
Pero mamayang uwian babawi talaga ako sakanya
Habang nag lalunch kami, hindi ko maiwasan na mailang dahil patingin tingin sya saakin, di tuloy ako makakain ng ayos
May time pa naman nung matapos kami ni Matt na mag lunch kaya napag desisyonan namin na pumunta muna sa garden
Favorite place ko toh kasi bukod sa tahimik at fresh ang hangin eh maganda din ang view
Madaming flowers may fountain din at may puno ng mangga, malaki ang puno ng mangga at may bench sa ilalim nito kaya doon kami naupo
Ito ang favorite spot ni Nathan, dahil sa puno daw ng mangga nag simula ang lahat. Diko naman magets ang sinasabi nya, pero pag tinatanong ko kung anong nag simula ang lahat ay nag kikibit balikat lang ito
Napag usapan namin dun ni Matt ang about lovelife namin. Eh ako wala pa naman akong nagiging BF pero sya daw meron na isa daw
Nag break daw sila dahil sa nakahanap daw ng mas better yung babae sakanya
Hayop? May mas bebetter paba kay Matt? Eh para sakin perfect na sya eh, mabait sya, masaya kasama, gwapo lahat lahat nasakanya na
Pero ngayon daw may napupusuan na sya, pag kasabi nya nun bigla syang tumingin sakin at ngumiti
Hayop na yan, nag wawala lahat ng organs ko. Char
Bumalik na kami sa classroom dahil baka malate na kami
Pagka pasok ko sa room, nakita ko si Nathan na nakayuko sa table desk nya
Nag tatampo talaga toh
Natapos na ang klase namin kaya naman nag ayos na ako ng gamit. Habang nag aayos ako ng gamit, lumapit saakin si Nathan, nakasimangot sya saakin kaya natawa naman ako
Pag katapos kong mag ayos ng gamit, hinila na nya ako palabas ng room, narinig ko pang tinawag ako ni Matt pero hindi kona sya nalingon dahil tuluyan na kmaing nakalabas ng room
Ang bilis ng paglalakad ni Nathan kaya naman nakakaladkad ako, pababa na kami ng biglang may humawak sa kabilang braso ko
Si Matt.....
BINABASA MO ANG
My Gay Lover
Teen FictionSi Nathan at Amore ay matagal nang mag kaibigan. Alam ni Amore na may pusong babae ang kaibigan, at tanggap nya ang kaibigan nya. Ngunit mag babago ang lahat dahil sa nararamdaman ni Nathan kay Amore.