Chapter 314

506K 20.8K 24.3K
                                    

A/N: Dami ko kaagaw sa internet. Hope you enjoy.

Happy Birthday!!
🎂Lemon_Pear
🎊Joy April Seprioto

Expect typo and wrong grammar.

Last Enemy

Jay-jay's POV

Paano ang tamang anggulo ng pagsampal? Kailangan ba nakaharap sakin ang sasampalin ko? O pwede ng nakatalikod?

Kanina pa nag-iinit ang palad kong sampalin si Mayo.

"Tumigil ka na nga!" Sigaw ni Kit sa kaniya. "Sinabing daplis lang."

"Wag po malikot." Sabi ng nurse na nag-aasikaso sa kaniya.

Wala pa ring tigil si Mayo sa pag-iyak na para bang katapusan na ni Kit. Samantalang daplis lang naman ang natamo niya kumpara don sa security guard na sinakay na sa ambulansya at dinala sa pinaka-malapit na ospital.

"Natakot nga ako!" Sagot naman ni Mayo habang pinupunasan ang muka.

Takang nakatingin sa kanila ang nurse na malamang ay naguguluhan sa asta nila. "Magka-ano-ano kayo?" Tanong niya habang tinatakpan ang tinahing sugat ni Kit.

Matalim siyang tinignan ni Mayo. "Mag-tatay."

Sira-ulo.

Mukang nakahalata naman ang nurse na ayaw nitong isa sa paki-alamero at hindi nalang nagsalita. Nagpasalamat si Kit sa kaniya bago bumaba sa ambulansya at maglakad palapit samin.

Hawak ni Mayo ang parehong puting polo nila na may dugo. Sinampay niya yon sa balikat niya para matakpan ang natirang kumapit na dugo sa panloob niya.

Nagpapasalamat ako sa ginawa niya dahil sa totoo lang parang babaliktad ang sikmura ko sa nagkalat na sariwang dugo.

"Okay ka na Kit?" Tanong ko ng makalapit sila samin.

"Oo, ikaw ba?"

"Ayos lang ako. Wala naman akong tama." Sagot ko pero parang hindi sila naniniwala.

Muka ba kong joke?

Nagbuntong hininga pa siya bago ako tignan na puno ng pag-aalala.

"Alam namin ang problema mo sa dugo. Hindi biro ang Phobia Jay." Sabi ni Mayo.

Hindi ko sila masisisi, nakita nila ang takot ko kanina. Hindi ko man lang nagawang tulungan si Kit. Ni ang humingi ng tulong hindi ko din nagawa. Nakatitig lang ako na para bang bawal gumalaw.

"K-kahit na. Pangalawa na to."

Inakbayan ako ni Kit gamit ang braso niyang walang tama. "Wag mo na isipin yon. Hindi mo naman to kasalanan."

Nagpilit ako ngiti at tumango. Kahit sa totoo lang, malakas ang kutob kong may kinalaman sakin ang nagpaputok ng baril na yon. Sa harap pa talaga ng school kung saan maraming istudyante. Para bang walang pakialam kung may ibang madamay na tao. At bakit nangyari yon kung kailan nasa gate kami?

Napatingin ako sa lalaking palapit samin. Salubong na naman ang mga kilay niya. Lagi naman siyang ganiyan. Siguro kasi malayo sa kaniya si Ella.

"Hands off." Sabi niya kay Kit kaya napilitan siyang alising ang pagkaka-akbay sakin.

Hinarap ko ang kapatid kong Horoscope. "Ano sabi ng mga Police?"

Tinuro niya si David na kasalukuyang kinaka-usap pa rin ng mga Police. Siya kasi ang malinaw na nakakita ng sasakyan at saktong paglabas ng baril ng tarantadong hudlong na gustong pumatay saming lahat.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon