Kabanata 38 - Home

5.1K 298 27
                                    

Kabanata 38

Home


"Miss! Seryoso ka ba talagang makiki-paghiwalay ka na sa Duke?!"

I took a quick glance sa mga maids ko. Their sad round eyes and quivering lips makes me want to laugh.

Portia and I was fixing my luggage for tomorrow's journey. Lahat yata ng damit ay dala ko. Inimpake ko ng lahat! When the last piece of dress was safely stored on one of my bags ay saka ako umayos ng tayo at hinarap sila Beth.

"Lady Amaury..." nakasibangot na silang lahat. Ramdam ko ang pagkalungkot nila.

I softly laughed as I walk towards my table kung saan naroon ang tsaa na hiningi ko sa gabing iyon.

Hmm? Should I pack some tea as well pag-alis?

"Let's put your things back on your wardrobe, Lady Amaury. You can't break the engagement with the Duke!" malungkot na sabi ni Rona.

I took a sip on my warm tea, "...and why not?"

"Because you love the Duke!" mabilis niyang bulalas.

Itong si Rona talaga walang preno lagi ang bibig! Napaubo ako sa pagkasamid sa paginom ng tsaa. Portia helped me to recover, marahan niyang hinagod ang likod ko. Kita ko ang pag-aalala nila sakin pero naroon pa rin ang pagkalungkot sa kanilang mga mata.

I sighed and decided to tell them the truth. I know even Portia is curious kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ko. She knew the argument I had with the Duke earlier and her immediate question to me is if I am breaking off the engagement. Fine, I'll let them know then...

Ibinaba ko ang tsaa na hawak at saka sila tiningnan ng seryoso.

"Yes, Rona, I am indeed in love with Duke Cresendo. I love my fiancé."

"Then why are you leaving if you love him?! Hindi ba dapat ay manatili ka dito para sakanya?"

What a hopeless romantic you are, Rona! Napangisi ako dahil sa pagiging inosente niya sa mundo ng pag-ibig.

"I want to teach him a lesson." sumandal ako sa upuan ko, "I want him to figure out his feelings kaya I am giving him space."

Ang Dale naman kasi na iyon! Ang tanda na pero hindi pa din alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman! Even 12 years old is better than him!

"Pero bakit ka nag-impake, Lady Amaury? Bakit mo kailangang umuwi?"

Ngumisi ako at tinaas ang isang kilay, "Well, if I want to teach him a lesson kailangan ko na matakot siya. Dapat isipin niya na seryoso ako sa desisyon ko. If he saw my empty room he will guess na umalis na ako ng tuluyan. But don't worry, Kaeden have arrange a separate room na pagtataguan ng mga ito habang wala ako."

Gusto ko ngayong matawa sa expression ni Rona and Beth. Nakaawang ang mga labi at para bang naagawan ng candy. Portia was smiling at me habang bahagyang nailing. I know she got frustrated at me a while ago dahil sa biglaang pag-aalsabalutan pero ngayon ay malinaw na sakanya.

Hindi ako makikipag-hiwalay kay Dale, ano! Well, not until my death has pass. Alam kong malapit na ang panahon na dapat na hiwalayan ko si Dale pero hindi pa iyon ngayon. Hindi ko sasayangin ang pinaghirapan ko para mabuhay nang basta basta nalang.

"And I am going home to congratulate my mother and father. They are having a baby." masaya kong anunsyo sakanila.

Rona and Beth squeal in happiness, Portia just smile warmly at me. Hindi ko rin mapigilan ang ngiti na umusbong sa labi. We will have a baby on the family! Walang ganito sa original novel pero ano pa nga ba ang pakialam ko sa novel ngayon? Wala na! Gumagawa na ako ng sarili kong desisyon. Tutal ay wala naman nang tugma sa lahat nang nangyayari. Mangyari na ang mangyari, basta buhay ako ay wala akong magiging problema. Lumihis man ang kwento, maiba man ang takbo at ending nito, wala na akong pakialam. All I want now is to be alive. Iyon naman talaga ang goal ko. Ang maging buhay sa loob ng mundo na ito.

One Chance For RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon