Entry #58

170K 4.7K 339
                                    

Dear Future Boyfriend,

Nag-text na sya sakin. Sinungitan ko sya. Kasi naman! Sya kasi e! Pinaghintay nya ako! Nakakainis pala maghintay ng text? Yun tuloy, nagsinungaling pa ako sa kanya para mainis sya. Di ko naman talaga kausap si Steve. Kaso para namang di sya nainis. Diba dapat mag-selos sya? Diba dapat ganon yun?

Basta! Gusto ko muna suyuin nya ako. Bumawi sya dapat! Ang tagal nya kaya ako pinaghintay sa text nya tapos ang unang text nya sakin ‘kumusta’? Hmp! Miss na raw nya ako, mukha naman hindi.

Nalulungkot ako na ewan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako nung nagtext sya pero naiinis ako sa kanya eh!

Naging sumbungan ko na talaga ang diary kong ito. Dapat talaga gumawa na ako ng ibang diary, yung dedicated sa kanya.

Teka, ikaw ba sya? Kung mabasa mo ‘to Ashton, ibig sabihin ikaw ang naging boyfriend ko. At ngayon, alam mo na kung bakit kita sinungitan nung oras na yon, pinaghintay mo kasi ako. Hwag mo na yon uulitin ha. Pero kung hindi naman ikaw si Ashton, tandaan mo parin na ayokong pinaghihintay kasi... kung mawawala ka, atleast magpaalam ka. Ayoko ng iniiwan sa ere, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko eh.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon