35. The Runaway

4.3K 268 59
                                    

DALAWANG pares ng mga paa ang nag-uunahang tumakbo. Isang pares na nakasuot ng itim na sapatos at isang nakatakong.

"Dali, takbo!" sigaw ng may-ari ng itim na sapatos na siyang nauuna.

"S-Sandali!" Hirap namang makasabay ang nakatakong dahil naaapakan ang dulo ng mahabang damit na halos sumayad sa lupa.

"Bilisan mo na, baka maabutan nila tayo!" Nag-p-panic nang sigaw muli ng nauuna.

Hinawakan na ng nakatakong ang dulo ng damit at itinaas iyon upang hindi na makaabala sa pagtakbo. Mabuti na lang ay manipis at magaan lang iyon.

"Damn it! Bakit kailangang may hagdan pa rito?" Reklamo ng nauuna nang matanaw ang hagdang kailangan nilang daanan.

Samantala sa loob ng simbahan...

"Sino 'yon?"

"Anong nangyari?"

"Nasa'n na ang bride?"

Bakas ang kalituhan sa mukha ng mga tao. Napuno ng ingay ang kaninang hindi makabasag-pinggang katahimikan.

Ang groom na nasa altar na ay hindi naman malaman ang gagawin. Halos hindi pa makabawi sa biglang nangyari.

Pati na ang mga magulang ng bride ay nasa gitna pa rin ng aisle at bakas din ang pagkalito sa mga mukha.

Ano nga bang nangyari?

"What's wrong with that idiot?" paanas na turan ng isang babaeng napakaganda ng hugis ng katawan na lalong lumabas dahil sa body-hugging na single-strap dress.

"Hindi ko rin alam! Hindi naman 'yon ang plano. Ano bang iniisip ng baliw na 'yon?" pabulong namang wika ng katabi nitong babae na may maiksing buhok at may salamin sa mata. Sa pang-apat na upuan sa unahan nakapuwesto ang mga ito.

"Sira-ulong babaeng 'yon. Iniwan tayo rito!" sabi pa ng naunang babae sa mahina pa ring tinig upang hindi makaagaw ng pansin.

Naalarma naman ang security sa loob ng simbahan.

"Wala po munang lalabas, huwag tayong mag-p-panic," wika ng isang parang pinakalider ng mga ito. Agad nitong pinindot ang earphone sa tainga upang alamin ang nangyayari.

Sa labas ay patuloy pa rin ang pagtakbo ng dalawang may-ari ng mga paang iyon.

"Argh... Lagring, ang bagal mo!" reklamo ni Brie.

"Ikaw ba naman ang nakasuot ng wedding dress! Naka-heels pa 'ko, takti ka!" singhal naman ng isa na hindi magkandatuto sa paghawak ng dulo ng damit. "Bakit kasi bigla-bigla kang nanghihila!"

"Sa tingin mo hahayaan kitang maglakad sa aisle nang hindi ako ang pakakasalan mo?" ang saad naman ni Brie habang patuloy pa rin sa pagtakbo.

Kikiligin na sana si Lorraine kung hindi lang sa pag-uutos na naman ni Brie.

"Bilisan mo!"

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon