Entry #59

164K 4.6K 240
                                    

Dear Future Boyfriend,

Tama ba ‘tong ginagawa ko? Pinagseselos ko ang isang bata? Bakit ko ba to ginagawa?! Nababaliw na ba ako?! Malapit na akong mag-eighteen pero isip bata parin ako! Hwah! Paano ‘to?

Malapit na ang debut ko. Iinvite ko ba sya? Natural kapatid sya ng bestfriend ko! Tapos... pano yung eighteen roses? Paano escort ko? Tatanungin nya ba ako? Ako ba dapat ang magyaya na maging escort sya? Hala! Paano kung malaman nya na gusto ko sya? Ayoko mahalata!

Pano kung ipilit ni Lola na si Steve ang gawin kong escort? Ayoko nga! Si Squidward ang escort ko? Ayaw! Kinikilabutan ako. >.<

Si April at yung boyfriend nya break na raw, narinig kong kwento ni Lola Lusing kay Lola. Tapos ngayon kay Kuya Dylan nila pine-pair! Bakit ba nila kami pine-pair sa dalawang yun? Hmm. Di talaga ako papayag na maging sila ni kuya! Hindi pwede! Kailangan kong mag-plano nang mabuti para masabotahe ang date nila bukas! Aja!

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon