♦️ 10

3.6K 49 5
                                    

That One Night
Chapter 10

"Another day, another sacrifices."
-

-
Loth Crame (alter)

/He's the hidden alter of Pierre Delvono/

Inilibot ko ang paningin ko sa maliit na unit kung nasaan ako. Kanina ko pa iniisip kung bakit ako nandito sa lugar na ito.

Ito ang hirap kapag napakatagal nakakatulog.

Bumaba ako mula sa pagkakasabit sa chandelier ng kwartong ito. Mabuti at matibay iyon. Dumuyan-duyan pa nga ako.

Nagtungo ako sa may lamp table kung saan may kalendaryo. Napanganga ako. Ano'ng taon na?! Ang huli kong pagkakatanda ay dinalaw ako sa California ni Tyler beshywap at Bestfriend Irish.

Sunod akong nagtungo sa may bintana. Lalo akong mapanganga nang makita kong wala na pala ako sa Cali. Is this the Philippines?!

Kaya ayokong nakakarinig ng malakas na sounds at pagsabog kasi nahihimlay ako.

Isinuot ko ang hood ng onesie kong pikachu.

Lumabas ako ng unit. Ano kayang meron sa building na ito? May playground kaya rito?  O kung wala man ay hahanap nalang ako ng taong mapagtitripan. Sawa na ako kay Tyler beshywap kaya iba nalang talaga. Kinuha ko ang bagpack kong unicorn. Puno iyon ng candies pero walng lollipop kaya maghahanap ako ng lollipop.

Tumapat ako sa may elevator. Kapag may mga tao sa loob. Palalabasin ko ang mga 'yon. Kapag hindi sila sumunod ay babatuhin ko sila ng nips.

Bumukas ang elevator. Ganyon na lamang ang tuwa ko nang makilala ang nasa loob.

"Best friend Irish..."
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Bigla ay tinalon niya ako ng yakap.

"Loooottthhh! OMG!!!" Halos masuffocate ako sa pagakakayakap niya. Hindi ko tanda kung kailan huling lumabas. Pero nasaan na kaya ang lollipop ko?

"Finally! Lumabas ka rin! Sobra kitang na miss! Alam mo bang sobra pa rin akong naiinis kay Pierre even if sinuhulan niya ako ng mga make ups. Kagagawan kasi ng gagang Maria Luningning na yon. Hinayaan niya na sirain ang make ups ko." Sumbong niya sa'kin. Sumasakit na nga ulo ko kakaisip kung ano ba ang nangyari o mga ginawa ng alters nang wala ako.

Naglalakad na kami ni Bestfriend Irish patungo sa unit niya. Mas makabubuti siguro na doon muna ako tumira sa unit niya. Tatanungin ko siya patungkol sa mga lumabas sa akin. At kung kumusta na si Pierre.

"Iyong lollipop ko ba nakita mo?" Tanong ko.

"Marami sa ref. Tara pasok ka dali!" Hinila niya ako papasok ng unit niya.

Naupo ako sa carpeted floor. Hindi ko kasi talaga trip maupo sa sofa o umpuan. Nakakaramdam na ako ng pagka boring. Gusto ko na makipaglaro. Pero kanino kaya?

Hay nako, aalamin ko na nga muna ang lahat para alam ko ang mga galawan ko.

Kay dadamot kasi ng mga alters na 'to! Madalang lang akong palabasin! Akala nila sila naman ngayon ang hindi makakalabas dahil nandito na ako! 

Bumalik si Irish mula sa kusina at may dala siyang isang pack ng lollipop. Inabot niya sa akin iyon at naupo sa tabi ko.

"It's been a long time..." Sabi niya.

"Hindi pa rin ba alam nila Pierre na alam mo ba ang kondisyon niya?" Tanong ko. Tumango naman siya.

Nangiti ako.

"Kaya ang boring mong kalaro eh! Hindi ka nagpapatalo hmp!" Sabi ko at nag pout.

Natawa siya at sumandal sa sofa.

That One NightWhere stories live. Discover now