Chapter 19 : The end of their story

79.4K 3.8K 1.2K
                                    

19.

The end of their story

Tammy

Nakatuon ang atensyon ko sa bawat salitang dinadaanan ng mga mata ko. Isang buwan na matapos akong lumipat sa skwelahang 'to pero hindi parin ako kumportable kaya mas pinili kong manatili sa library at magbasa ng libro. 

Narinig kong may tumikhim kaya napatingin ako sa lalaking katapat ko. Hindi ko maalala ang pangalan niya pero sa pagkakaalam ko, siya ang team captain ng basketball team. 

"Problema mo?" Tanong niya nang mapansin akong nakatingin sa kanya. Pogi sana kaso masungit.

Umiling-iling ako at siyempre agad na umiwas ng tingin. Ayoko namang isipin niyang may crush ako sa kanya. Pero hindi ko parin talaga maiwasang mapatingin sa kanya, paano, ang libro kasing binabasa niya, nakabaliktad.

"Excuse me..." Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya na para bang naiinis. Nakakatakot siya kaya umiling nalang ako.

"May sasabihin ka tapos babawiin mo? Ano ba kasing gusto mong sabihin?" Tanong niya kaya bigla akong kinabahan. Baka mamaya awayin ako nito, lagot ako.

"Y-yung libro mo kasi nakabaliktad. Sige bye." Paalam ko na lamang at dali-daling umalis.

*

"Tammy ba't kanina ka pa tinitingnan ni Calix?" Tanong ni Jerome na siyang kasabay kong kumakain ng tanghalian. 

"Sinong Calix?" Tanong ko naman at sumipsip mula sa hawak kong chocolate drink.

"Captain ng basketball team." Nasamid ako dahil sa sagot niya. Ubo tuloy ako ng ubo habang hinahampas ang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumingon sa table na nasa likod namin. Hindi naman nakatingin si Calix sakin, palibhasa kasama niya ang iba pang basketball player habang kumakain at nagk-kwentuhan.

"Hindi naman ah." Giit ko kay Jerome.

"Nakatingin ulit siya." Pasimpleng sambit ni Jerome kaya muli akong lumingon. Pero gaya kanina hindi naman nakatingin sakin si Calix.

"Hindi nga eh!" Giit ko ulit.

"Eh sa umiiwas siya sa tuwing lumilingon ka. Teka.... okay nakatingin ulit siya sayo." Sabi pa ni Jerome kaya muli akong lumingon sa kinauupuan niya. Hindi parin naman nakatingin sakin si Calix, sa katunayan, tumatawa pa nga siya. Siguro nagbibiruan sila ng tropa niya.

"Bagal mo." Mahinang sambit ni Jerome kaya pabiro kong sinipa ang paa niya mula sa ilalim ng mesa. "Aray! pustahan tayo....." Nagtaka ako nang bigla na lamang tumigil si Jerome kumain. Inilapag niya ang mga kubyertos sa plato niya at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sakin. Nagulat ako sa ginawa niya lalo na nang napakalapit na ng mukha namin sa isa't-isa at halos maglapat na ang labi namin. "Ngayon lumingon ka sa mesa ni Calix." Bulong niya ka kaya dali-dali kong itong ginawa.

"Boom huli." Mahinang sambit ni Jerome at tama siya.

Nagtama ang mga tingin namin ni Calix. Tama nga si Jerome. Nahuli kong napakasama na pala ng tingin samin ni Calix habang nakabusangot, nakataas pa ang kamay niyang may hawak na bottled water na para bang gusto kaming batuhin.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon