Alkia 13: North Gatekeeper

5K 302 7
                                    


Naramdaman ko na namang tila may sumusunod sa 'min. Pasimpleng kinuha ko ang bow na nakasakbit sa likod ko. Tila mga anino silang nagtatago sa mga patay na puno. Bilog at malamlam ang buwang nakadagdag sa tensyon. Hindi ko alam kung sumisikat pa ba ang araw sa lugar na iyon o pulos kadiliman na lang. I deduced that there were four secretly tailing us.

Nagulat na lang ang mga kasama ko nang biglang nagsitalunan ang mga halimaw sa amin. Hindi ko agad sila nabigyan ng babala. Hindi ko akalaing susugod agad sila. Agad akong nagpakawala ng mga palaso pero mabilis silang nakaiwas. Maging ang mga kasama ko ay mabilis ding nakaiwas sa matatalim na kuko ng mga umatake.

Apat na halimaw. Napansin ko ang makakapal at maiitim na balahibo nila. Mapupula ang mga mata nila at may mahahabang pangil.

Magkatulong sina Fire at Ice sa pakikipaglaban sa isang halimaw. Magkatulong naman sina Angel at Scythe. Phoenix and I fought the remaining two one-on-one. Halos magkakatapat lang ang mga level namin. Level 215 ang mga halimaw. Level 213 na ako. Level 200 plus na rin ang mga kasama ko.

Mabilis akong umurong nang muntik na akong mahagip ng matatalim na kuko ng halimaw. Agad ko itong pinatamaan ng deadly strike na diretsong tumama sa mukha nito. Napasigaw ito sa sakit. Muli akong inatake gamit ang kuko nito pero nakatalon ako patungo sa likod nito at muli ko itong tinira ng mga palaso ko sabay sipa nang malakas sa likod nito. Napahiga ito sa sahig pero agad itong nakatayo't marahas na sumugod sa 'kin. Nahagip ng mga kuko nito ang braso ko kaya nagtamo ako ng mga hiwa. Agad akong gumanti. I used my poisonous shot. Ilang beses pa akong tumalon sa ere habang nagpapaulan ng mga palaso sa kalaban. Napansin kong kahit sugatan ang mga kasama ko, mas lamang pa rin sila sa mga kalaban.

Ilang atake pa ang pinakawalan ko bago naglaho ang halimaw. Kumunot ang noo ko dahil hindi sila ganoon kalakas. May nakuha rin kaming health at mana replenishers at ibang special items mula sa kanila. Nadagdagan pa ang coins namin. Bahagya kaming hiningal sa nangyaring laban. Napansin kong nakatingin sa sugat ko sa braso si Fire.

"I will heal you," he said.

Ngumiti ako at umiling. "Just save your energy for a bigger fight. This scratch will heal on its own," nakangising sagot ko. "Let's move. Natatanaw ko na ang gate."

The north gate was made of bronze and the carvings and design on it were artistic. It opened automatically for us.

A yellowish light shined all over the place. Humakbang na kami papasok. The demon with one horn was standing in the middle with a huge silver sword in hand. Sumara ang pinto sa likod namin.

We started to scatter. Pinalibutan namin ang North Gatekeeper. Phoenix started the attack. Hindi na rin buo ang mga health points at mana energy namin.

Si Scythe ang sumunod na umatake pero walang-wala ang espada niya sa espada ng kalaban. Tumalsik siya palayo. I was using my arrows to hit the gatekeeper. May ilang tumama sa katawan nito pero madalas ay nasasangga ang mga ito ng espada niya. Its armor was strong, too.

Ice started to strike the demon with her dual flying blades. Nasangga ang mga ito ng North Gatekeeper. Lumipad pabalik ang flying blades at humiwa sa pisngi ni Ice. The monster was very strong. Hindi magiging maganda kung lalabanan namin ito sa malapitan. But it was neither good to fight him from a distance. Hindi pa ito umaalis sa kinatatayuan at iyon ang nakaiinis.

"Let's do switchings," sabi ko.

They nodded. Naunang umatake si Scythe. She gave the demon a thunder strike straight to its heart. Malakas na puwersa ang bumalot sa dalawa. Kaunting damage lang ang natamo ng North Gatekeeper. Scythe switched with Ice. Nakaiwas si Ice sa nakaambang atake ng North Gatekeeper na para sana kay Scythe. Ice thrusted her dual blades into the demon's stomach. Agad siyang umiwas sa espada nito, then switched positions with Phoenix.

Phoenix gave the monster a lightning blast. Halos liparin silang pareho dahil sa malakas na puwersang namagitan sa kanila. Fire and Angel were helping us in defense. Pinalalakas nila ang bawat tira namin. I ran towards the demon and gave him a critical hit straight to the head. We continued attacking while switching positions.

Minutes passed and the demon started to move away from its original position. Mas malakas na ang bumabalot na puwersa sa kanya. Bumaba na rin ang level ng armor nito. Nagulat na lang ako sa malakas na puwersang tumama sa 'kin habang inaatake ko ito. I tasted blood in my mouth and felt numb. Hindi ko namalayang tumilapon na pala ako. Malaki ang naging bawas nito sa HP ko.

Naalerto ako nang tumakbo ang halimaw patungo sa kinaroroonan ko. Hindi pa ako nakatatayo. I needed to recharge my health. Nakaamba na ang espada nito upang itarak sa katawan ko. Ginamit ko agad ang health replenisher ko.

"Zeus!" Fire shouted. In a swift move, he carried me in his arms and jumped away from the demon's attack. He attacked the enemy with his bursting fire. Marahan niya akong ibinaba sa sahig.

"Are you okay?" he asked. I nodded.

Patuloy pa rin sa pag-atake ang mga kasama ko kahit sugatan na rin sila. Biglang umatake sa 'min ang North Gatekeeper. Tumalon kami palayo ni Fire sa isa't isa pero nahagip pa rin si Fire. I recharged my mana and hit the demon with my arrow of destruction. We managed to destroy its armor.

I then struck it with my angel shot. We started to attack it nonstop until we reached our cool down. Dahil hindi na kami makaatake pa ay wala kaming nagawa kundi ang umiwas sa mga atake ng kalaban. Sugatan na kami bago pa humupa ang cool down timer namin. Nang maaari na kaming umatake muli, we didn't hold back. Sinigurado naming hindi masasayang ang bawat atake namin.

Naglaho ang North Gatekeeper dahil sa huling tira ni Angel. She got the last attack bonus. Napaupo ako sa sahig. Pawisan kaming lahat at hinihingal. Naramdaman ko na ang hirap na dadanasin pa namin. The door at the back automatically opened for us. Sugatan kami pero hindi kami nag-abalang gamutin ang sarili. We needed to rest for a moment for the wounds to heal.

Nang lumabas kami ay nakita namin ang malawak na ilog sa harapan namin. Sa kabilang bahagi ay makikita ang anim na daang nakaturo sa Lost City. I chose a path to take but to our surprise, once Ice set foot on the same path, it disappeared together with her.

One path per person?

***

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon