Alkia 24: Black Dragon

3.8K 251 6
                                    


Nangamba ako sa mga patay na halaman at mga malalaking buto ng dargon sa paligid. Masangsang ang amoy na tila sariwa pa lang ang pagkamatay nila. Did someone kill them? Nakangiwi kami at tinakpan ang mga ilong namin. Habang naglalakad ay alerto kami sa buong paligid. The surroundings were totally dead. I wondered what kind of dragons were waiting for us. May natanaw kaming malaking kuweba sa dulo. Sa likod nito matatanaw ang hagdan patungo sa huling isla.

"Seems like the dragons here are savage murderers," komento ni Sky. I nodded. Nakayakap ang mga kamay ni Silver sa leeg niya habang nakasakay ito sa balikat ni Sky. Nakapatong pa ang pisngi ni Silver sa ulo ni Sky habang natutulog. I smiled.

"You look cute together," I said sincerely.

Sky smiled. "Like father and son?" he teased.

My cheeks heated up. "Well, yes. Maybe? I don't know," I said.

"We're like family," he teased again.

"Whatever you call it," I said and shrugged my shoulder. Hindi ko ipinakitang apektado ako. We're like family? It actually sounded good. Hindi na nagsalita pa si Sky. Tumingin ako sa kanya. Maybe I offended him. But he was looking at me with a pleasant smile. My heart skipped a beat. Nakakainis ang makahulugan niyang pagtitig at pagngiti.

"But it's better in real life, right? Having a family..." he said.

I looked away. Hindi naman niya sinabing kami ang magiging pamilya. But I agreed. It was better in real life to have a family of our own. But we're still too young. Maybe in the future.

"Yeah. It's better in real life," mahinang saad ko. Nang tingnan ko siya sa gilid ng mga mata ko, hindi na siya nakatingin sa 'kin pero nakangiti pa rin siya. Ugh! This game's driving me crazy. Or he's driving me crazy? I wondered why he has not asked me to be his girlfriend in real life? I didn't want to assume, but he said he loved me. Siguro paasa lang talaga siya.

Itinuon ko na lang ang pansin sa buong isla. Malayo na ang narating namin pero wala pa ring mga dragon. Natigilan ako. Malakas na sigaw ang narinig ko sa mga kasama ko. Nagmadaling humarap ako sa kanila. Nakahanda na agad ang palaso ko pero napanganga ako sa nakita. A black dragon made of skeletons. Napansin ko rin ang paggalaw ng mga buto sa paligid namin habang unti-unting nabubuo at nag-anyong dragon pero nakalabas ang mga buto. Ilang segundo pa ay lumabas na ang mga balat nito maliban sa pakpak. Nagkalaman na rin ang katawan at buntot nito. Ang ilan sa mga kasama ko ay umatake na. Maging ang mga nakapaligid na dragon sa 'min ay pinaulanan ko na rin ng mga palaso.

Medyo may kalakihan ang mga ito kaysa sa mga naunang dragon. Mas mahahaba ang mga buntot at mga kuko. Malalalim ang mga mata at sobrang iitim. Minsan, lumalabas sa bunganga nila ang mahahabang dila kung saan tumutulo ang kanilang laway. Napansin kong bumubula ang lupang natutuluan ng laway nila. Their saliva was acidic or poisonous.

Nagising na si Silver at ibinaba na siya ni Sky.

"No need to fight for now, Silver. Magpahinga ka muna," saad ko sa kanya.

"Stay behind me as much as possible," saad naman ni Sky.

Walang nagawa si Silver kundi ang sumang-ayon.

Habang unti-unting nabubuo ang mga dragon, agad na kaming kumilos. Tumakbo ako patungo sa isang dragon. I hit it with meteor rain. Hindi pa man ito tuluyang nakapagpalit-anyo ay malakas na ihinampas na agad nito ang buntot sa direksyon ko. May mga nakalabas na matutulis na buto roon.

I didn't see another attack coming mula naman sa isa pang dragon sa likod ko. I screamed in pain. Napaluhod ako. Nang makita ko ang kaharap kong dragon na umaatakeng muli gamit ang buntot nito ay agad akong tumayo at tumalon.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon