Alkia 27: Hope

4.6K 244 11
                                    


After the guild leaders' meeting, we started our plans. We already formed the groups according to their quests. Pinagsama-sama namin ang mga hindi pa nakalalampas sa Lost City at sa Dragon Island. We divided them and assigned some groups to guide their journey. Isinama namin sila sa mga grupong nakalampas na sa Lost City at Dragon Island.

Naghiwa-hiwalay kami nina Zero, Sky, at Queen para mas mapadali ang lahat. We provided all the necessary information they needed. Then, we weren't there to compete with each other. We were there to make sure that we would all come out of the game alive. Pagkatapos noon ay tutuloy na kami sa huling dungeons. There were still seven left, and it would be a raid.

May mensahe mula kay Fire. Agad ko itong binuksan. According to his message, he had decided to leave the guild. Napalunok na lang ako. May natanggap din akong mensahe ni Ice. She was worried about his brother and she wanted to find him. Naihampas ko ang kamao sa puno.

Nag-aalalang lumapit sa 'kin si Sky. "What happened?" he asked. Agad niyang kinuha ang kamay kong namaga dahil sa ginawa ko. Mariin akong napapikit dahil sa halo-halong emosyon.

"Fire left my guild," mariing sagot ko at napatakip ang isang kamay sa bibig. I wanted to cry. I couldn't track his location. I tried to call him, but he didn't answer. I even sent him a message to come back. Sinabi ko rin kay Ice na hintayin muna niya ako.

"He'll come back soon when he returns to his senses," saad ni Sky. "Hayaan mo muna siyang mag-isip. Tiyak na naguguluhan pa siya sa nangyari. Maybe he thinks that he's a burden for you," he added.

"You know he isn't!" naiinis na sambit ko sa kanya. Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya. I started to walk back and forth.

"The way you feel is not the same as he does. You must understand that," saad niya. Tumigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko siya nang masama.

"Why can't you just encourage me to find him?" I asked him.

"Because there's no time left for that. Babalik din siya kapag natauhan siya. For now, lead your group," he said.

Mariing napapikit ako. Pareho na kaming naguluhan sa mga nangyari. Hindi ko alam kung makikinig ba sa mga utos ko ang mga kasama ko. Ako ang Rank 1. Tiyak na hindi sila natutuwa dahil iniisip nilang ako lang ang may pag-asang makalabas sa laro. Gusto talaga ng organisasyong sirain kami. They wouldn't let us win.

"Paano kung kontrolin ulit sila?" tanong ko. Naalala ko sina Fire, Scorpion, Scythe, at Calix na umatake sa 'min kagabi upang nakawin lahat ng items ko. Sa kasamaang palad, namatay si Silver sa laban. Ang masaklap pa, hindi ako sigurado kung may iba pang players sa grupo ko ang nakokontrol.

"Then stop them," he answered. Napahilamos siya sa mukha. "Wala akong maisip na paraan upang ibalik sila sa dati. We can't do anything inside this game. We're powerless," saad niya. He looked at me as if he was begging me to understand the situation.

I took a deep breath. I forced myself to calm down. "Fine. I'll lead them," saad ko pero natigilan ako. "Wait! No. I'll ask Ice to lead them. I need Silver back. Kailangan ko munang hanapin ang item na maaaring bumuhay sa kanya. I'll see you all on the last set of dungeons," saad ko.

Matiim na sinuri ako ni Sky. "Kaya mo bang mag-isa?" he asked.

I nodded. "I can manage. Bumalik ka na sa mga kasama mo. They need you, too," saad ko. Nagsimula na akong maglakad palayo. I was too confused, but I stopped walking and looked back at him.

"Do you think we can really survive this?" May takot na namuo sa puso ko.

"We can only hope because I'm not sure anymore," he said with a worried smile.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon