Chapter 58

16.1K 774 524
                                    


Tyrant's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Dite. Nasa sala kaming dalawa habang nakaunan ako sa hita nya at sya naman ay hinahaplos ang pisngi ko. Parehas kaming nanonood ng soccer game ng sunod nilang makakalaban bukas. Mukhang hindi naman sya seryoso sa pinapanood nya. Sa galing ni Dite sa soccer, kayang kaya nyang talunin ang mga yan.

"Dite." tawag ko sa kanya. Tumingin sya sakin. "I don't know what to do now." tinignan nya ako na nagtataka. "Eloi and Samantha."

"Heh..." sabay tingin nya ulit sa tv. "Akala ko dahil sa pagkatalo nyo kaya ka nandito pero iba pala." napanguso ako. "Nag-break lang sila, bumalik na ang nararamdaman mo sa kanya."

"Hindi naman nawala yung feelings ko sa kanya eh." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Wag mo akong tanungin sa ganyan. Remember, tinakbuhan ko yung sakin?" natawa ako sa sinabi nya. "Kung gusto mong i-pursue ang nararamdaman mo kay Eloi, tapusin mo muna kung ano meron sa inyo ni Samantha." sabi nya. 

Tama naman sya pero natatakot akong masaktan si Samantha pagkatapos ng mga nagawa nya para sakin. Kaya nga ngayon ay naguguluhan na ako. Alam ko naman na wala akong pag-asa kay Eloi pero gusto ko pa rin i-try na ngayong hindi na sila magkakabalikan pa ni Ate Kriza kahit anong gawin nya. Gagawin ko lahat kahit pa hamunin ko pa sya dahil alam ko, kaya ko syang talunin.

"Ah!" napaupo ako nung may maalala ako. Tumingin ako kay Dite. "Hindi ka busy, hindi ba?"

"Mukha ba?" napahalikgik ako.

"Let's run!" napakunot ang noo nya tapos tumingin sa oras. Ala una pa lang ng tanghali. "Wag ka ngang mag-inarte dyan, mas madalas ka ngang nasa initan eh." sabi ko at tumayo na para tumayo na rin ito.

"Katamad." sabi nya tapos sumandal sa couch. "Si Lulu na lang yayain mo." sabi nya pa.

"Ano ka ba? final game na nila bukas kaya natural lang na nagpra-practice sila ngayon at tsaka kaya nga kita niyaya dahil sa kanya. Minaliit nya ako kahapon eh!" sabi ko. Kainis 'yon akala ko ako ang haharapin nya pero si Astris pa at ang mas nakakainis doon ay kaya nya pantayan ang bilis ni Astris. Kaasar talaga.

"Fine. Magbihis na tayo." ngiting wagi ako. Hindi talaga ako matitiis nito.

Humiram ako ng damit kay Dite. May mga damit naman sya na kakasya sakin. Sa una ay mabagal lang takbo namin ni Dite pero nung bigla syang bumilis ay para kaming bata na nag-uunahan kahit na wala kaming patutunguan. 

Hindi na nakakagulat na isang soccer player itong si Dite dahil ang bilis nyang tumakbo, hindi ko sya maabutan. May dalawang metro ang layo naming dalawa pero alam kong hindi nya pa binibilisan. Arh! inaasar din ako nito eh.

Tumigil lang kami nung sinabi kong ayoko na. Naupo kami sa tapat ng sari-sari store. Bumili ng coke at tubig si Dite, sa kanya ang coke at sa akin naman ang tubig. Habang nagpapahinga kami ay nakita namin si Eloi at Samantha na magkasama. Nakita kami ni Samantha kaya lumapit sila samin.

"Eww pawisan." sabi ni Samantha sakin. Sinamaan ko sya ng tingin. "Bakit kaya kapag sa sex mabango ka kapag pawisan ka?" nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Napatingin samin yung dalawa.

Nagulat kami nung biglang kwelyuhan ni Dite si Samantha. Napatayo ako para pigilan si Dite sa kung ano ang gagawin nya.

"He-hey! It's just a joke!" nauutal na sabi ni Samantha.

"Dite! nagbibiro lang si Samantha!" sabi ko. Tinulak palayo ni Dite si Samantha. "Jeez! wag ka kasing magbibiro ng ganon kapag nandyan si Dite!" sermon ko kay Samantha.

"My bad." kamot-kamo ng ulong sabi nya. Napailing ako at tumingin kay Dite na seryosong nakatingin kay Samantha.

"Hey, stop it. Masyado kang seryoso dyan eh." sabi ko kay Dite. "Saan pala kayo papunta?" tanong ko sa dalawa.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now