Kabanata 7

4.4K 115 10
                                    

Confuse

"Anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko sa topic.

"Bakit ka umalis?"

Dahil gusto kong umiwas sayo at bigyan ka ng oras doon sa girlfriend mo. Iyan ang gusto kong sabihin pero mas gusto kong iwan nalang ang sagot na 'yan sa utak ko.

"Gusto kong mag pa hangin. Ikaw, bakit ka nandito? Hindi ba't may kausap ka?"

"Tapos na. You should go back inside. Malamig dito." Mahinahon niyang sabi.

Humalukipkip lang ako at binalewala ang suhestiyon niya. Ramdam kong nakatitig parin siya sa'kin ngayon. Ayaw ko siyang lingunin dahil may inis parin ako sa kanya.

"I'm sorry how I acted awhile ago. I just don't like you hanging out with Web."

Doon nako napatingin sa kanya. "He's nice." Like how I always see other men when they tried to make conversation with me. Noon sa Maynila, nabibilang lang sa daliri ko ang mga bastos. Maybe because they know who my grandfather is at ang biruin o bastusin ako ay isang napakalaking pagkakamali.

"Do you want to tour around?"

His dark brown eyes peircing straight to mine makes my knees jelly. Kung hindi lang ako naka upo ngayon ay baka mabuwal na ako. Damn. No guy has ever made me feel this way. Even Corbin Clauster, a rising teen idol who courted me before can't even make me blush.

"No, thanks." I said and look away ng 'di ko na makayanan ang titig niya.

He softly chuckle. I was tempted to look back but I stayed stiff looking at their wide garden. Tanging ang bilugang buwan lamang ang nagpapatingkayad ng liwanag sa mga bulaklak.

"But you said yes to him?"

"Hindi no." Agap ko.

"Then let me tour you around. I know good places here." He said.

"Ayos na ako sa bahay at dito sa inyo."

Gustohin ko man pero natatakot ako sa posibilidad na baka pati dito ay nakakalat ang mga tauhan na gustong punteryahin kami ni Lolo. Although Zaccarrio is a far away province and very secluded, I still don't trust it. Lalo na't kami lang ni Manang Zana. Lolo didn't provide us any bodyguards in the thought that they'll betray us. But he made sure that even I'm far away, I'll be safe. I just don't know his other plan.

"So, you'll come here more often?" May panunukso sa boses niyang sabi.

"Auntie Zana likes it here."

"I thought you came here for vacation? Ano ba ang ginagawa ng mga nagbabakasyon?"

Natutop ko ang bibig ko sa sinabi niya. Shoot! I forgot that reason. Now, wala na akong ikakapalusot pa.

"Don't worry, I make sure you're safe. Zaccarrio is our land. Walang gagalaw sa'yo dito." Aniya.

Kumunot ang noo ko't napatingin uli sa kanya. "What do you mean by that?"

His thin pinkish lips curve. "You'll be safe. May dapat pa bang ibang meaning iyon?"

Marahan akong umiling. "Wala..."

"So, are you saying yes now?"

The temptation is overflowing. Parang nagsi-see-saw ang utak at puso ko sa pag sagot. Though in the end, I nodded.

Bumalik kami sa loob ng mansyon. Pasado alas dies na at marami narin ang umuwi. Kita ko ang pagod at antok sa mata ni Manang Zana kaya napagpasyahan naming umuwi na.

And just like the other days, hinatid kami ni Heros. I said my thank yous and goodbyes dahil nauna ng pumanhik si Manang Zana sa kwarto niya at medyo nalasing dahil sa pag inom ng lambanog kasama ang mga kaibigan niya dati.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon