37. Susô

4.8K 270 56
                                    

"MAYROONG boodle fight sa bayan, gusto niyo bang sumama?" Nang sumunod na araw ay yaya sa kanila ni Manang Cedez.

"Mukhang masaya po 'yan," ani Brie at tiningnan si Lorraine, "ano, Lagring?"

Agad namang tumango si Lorraine. "Oo ba, game ako riyan."

"Oo nga pala, basta pagkain 'di ka aayaw," naalalang tudyo ni Brie.

Napalo naman siya sa braso ni Lorraine. "Nagsisimula ka na naman, ha," asar nitong turan.

Tinawanan lang ito ni Brie at bumaling muli kay Manang Cedez. "Ano nga po palang okasyon, Tita?"

"Masagana ang ani ng mga pananim at maging ang huli ng mga lamang-dagat ngayon. Kapag ganitong panahon ay ipinagdiriwang talaga namin iyon. Parang fiesta na rin. Pero dito, walang santo-santo. Iisa lang naman ang dapat pasalamatan," ang sagot ng matanda. "Sige na, magbihis na kayo at maya-maya lang ay darating na ang sundo natin," utos pa nito.

Mabilis nang tumalima ang dalawa at magkahawak-kamay pang umakyat ng hagdan. Nakangiti namang nakasunod ng tingin sa kanila si Manang Cedez. Batid na rin nito ang namamagitan sa kanilang dalawa. Kahit makaluma ay open-minded naman daw ito.

SA MISMONG tabing-dagat idinaos ang Pista. Mga nasa isandaang tao rin ang nandoon. Halos malula sina Brie at Lorraine dahil sa dami ng pagkaing nakahain. Halos dalawampung dipa yata ang haba ng mesang pagkakainan. May isa pang mas maiksing mesa na naglalaman naman ng iba't ibang mga prutas.

"Wow," naibulalas ni Lorraine, "this place is rich." Nakalingkis ang kamay nito sa braso ni Brie.

Napatango naman si Brie bilang pagsang-ayon sa kasintahan. "Ito ang tunay na pista. Hindi kagaya ng karaniwang pista na nakikita ko... nangungutang pa para lang may maipanghanda. Hindi ko maintindihan ang mga gano'ng tradisyon."

"Hm... May pinatatamaan ka ba?" taas-kilay na tanong ni Lorraine.

"Wala, ah," painosenteng turan ni Brie. "Nagsasabi lang naman ako. Kasi 'di ba, kaya nga tinawag na pista dahil dapat masagana. Pero karaniwan kasi sa mga nakikita ko, 'yong tipong wala na nga halos mapakain sa mga sarili, mangungutang para lang may mapakain sa ibang tao. Anong silbi no'n kung pagkatapos naman... nganga na. Seriously... 'yong mga karaniwang pista sa'tin, 'di naman nagdadala ng kasaganaan, nagdadala lang ng kahirapan." Napalatak pa siya.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon