TINAWAGAN muli ni Brielle si Atty. Mendez. Ipinaalam niya ang tungkol sa kasong isinampa ng pamilya ni Lorraine.
"What? You kidnapped someone? This Lorraine Faustino?" Magkahalong gulat at pag-aalala ang maririnig sa boses ng matandang abogado. Kilala na nito si Lorraine, dahil kasama sa pinapaasikaso niya ang mga papeles ng kasintahan.
"It's not that I kidnapped her, all right?" agad namang pagtatanggol ni Brie, "kusa siyang sumama sa'kin. She never really wanted that wedding. Naipit lang siya, and I saved her."
"It still account for kidnapping, Brie. Whether she wanted or not, it was still supposed to be her wedding. Her family doesn't know you, and you suddenly took her away." Mababakas ang disappointment sa boses ng matanda.
Palakad-lakad naman si Brie. Nasa labas siya noon ng bahay. Alam niyang nag-aalala lang ang abogado sa kanya. "Yeah. I realized it now. Ipapakausap ko na lang kay Lorraine ang mga magulang niya para iurong ang kaso."
Sa pagtingin sa kaliwa ay nahagip ng mga mata niya ang dalawa sa mga bodyguard. Ang tatlo pa ay malamang na nagpapahinga na. Halinhinan kasi ang mga ito sa pagbabantay. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng security sa presensya ng mga ito.
"You better. So, what do you want me to do now?" mula sa kabilang linya ay tanong ni Atty. Mendez.
"Gawin niyo pa rin ang pinapagawa ko. But do it quietly. I want it ready, in case her parents won't agree to drop the charge against me. Magagawan mo naman ng paraan 'yon, 'di ba, Attorney?"
Sandaling naging tahimik sa kabilang linya si Atty. Mendez. Narinig ni Brie ang pagbuntung-hininga nito. "Puwede ba naman kitang pabayaan? Malaki ang utang na loob ko sa Papa mo. Ako nang bahala. Pero kung magagawan ng paraan ni Lorraine na kumbinsihin ang mga magulang niya, mas makabubuti iyon. Helping an outlaw is still against my morality, Brielle."
"Alam ko naman 'yon, Attorney. Pasensya na rin. Hindi ko alam na aabot sa ganito."
Napamaywang at napabuntung-hininga si Brie matapos ibaba ang telepono. Naibaling niya ang tingin sa dagat na abot-tanaw lang mula roon. Napakapayapa nitong tingnan, nagmistulang kumikinang dahil sa sinag ng araw. Subalit payapa man itong tingnan sa ngayon, kagaya ng sitwasyon nila ni Lorraine, alam niyang may darating ding unos upang bagyuhin ang kapayapaang nakikita. Pilit man niyang itaboy sa isip, ramdam niyang nalalapit na ang unos na iyon. At natatakot siya.
"Hey, gorgeous..."
Napalinga siya sa paligid dahil sa narinig na boses. Malamyos iyon at may hatid na kung anong kiliti sa kanya. Tila sa malayo iyon nanggaling. Hindi niya matukoy kung na-imagine niya lang ba iyon o ano.
"Over here," wika muli ng tinig. Mas malakas at malinaw.
Napaangat ang mga mata niya sa ikalawang palapag ng bahay. Bigla siyang napangiti. Ang kung ano mang bumabagabag sa kanya ay biglang nabura.
Si Lorraine. Nasa terasa ito ng kuwarto at nakahawak sa railings. Napuno ng paghanga ang dibdib ni Brie. Ang ganda pa rin nitong tingnan sa magulong buhok na halatang kababangon lang. Habang nagtatagal ay mas lalo itong gumaganda sa paningin niya. Para itong prinsesa sa suot na puting nightgown. "Good morning, beautiful!" Nilakasan niya ang boses upang marinig nito.
BINABASA MO ANG
Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]
Romance"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagbabali ng kaniyang so-called rule. Mapigilan kaya niyang mahulog?